Ngayong naisulat ko na, tapos na

by Raven Kate Austria | shared on He Said, She Said |

Ito na.
Sa wakas.
Hindi ko inakalang,
Kakayanin ko pala.
Kamusta ka na?
Tanda mo pa ba?
Mga masasayang ala-ala –
Na ngayon ay unti-unti ko ng binabalewala.
Una mo ‘kong pinaniwala
Sa mga pangakong sabi mo’y hindi ka mawawala.
Na, “Pangako, nandito lang ako”
Na, “Pangako, sasamahan kita”
Na, “Pangako, mahal kita”
Sinabi mong mananatili ka
Pinangako mong kakapit ka,
pero bakit nagpatangay ka?
Kaya heto,
Pinipilit.
Paulit-ulit.
Tinatanong ang sarili,
Saan nagkamali?
Paano natapos?
Paano naglaho?
Sinong nagbago?
Bakit umabot tayo sa dulo?
Yun pala ang totoo,
hindi ka pala sigurado.
Di mo man lang ako sinabihan.
Para naman alam kong panandalian.
Hindi yung biglaan.
Kasi hindi ko namalayan,
na yun na pala ang katapusan.
At sa pagkakataong ito,
Hayaan mong isulat ko.
Magsusulat ako.
Magsusulat ako ng may galit at panghihinayang.
Magsusulat ako at wala akong pakielam kung sa pagkakataong ito,
hindi na magtutugma ang salitang ako at tayo.
Dahil ang totoo
Magsusulat ako,
dahil nasasaktan ako.
Hayaan mong isulat ko kahit ayaw mo ng magpatuloy pa.
Hayaan mong isulat ko
hanggang sa mabigkas ko sa harap mo na
“Tapos na, Makakaalis ka na ”.
Hayaan mong isulat ko, at pipilitin kong hindi na ito magiging tungkol sa’yo,
sa tayo. – ‘Pangako.
Isusulat ko
Kung paano paulit-ulit sinabi ng mundo, na ikaw.
Kung paano ipinamukha ng tadhana na Ikaw ang tama,
na Ikaw ang itinakda.
Isusulat ko.
Isusulat ko kung bakit ako naghintay,
Kung bakit ako nawalan,
at kung bakit ako naubos.
Isusulat ko
Kung sino ang nagkulang,
Kung sino ang pumuna,
At sa kung sino ang nagpalaya.
Isusulat ko na.
Ang hindi ko mabitaw-bitawang salita,
Dahil simula ng sinabi mong “Tayo”.
Nagsimula akong maniwala.
Na, “Pangako, nandito lang ako”
Na, “Pangako, sasamahan kita”
Na, “Pangako, mahal kita”
Sinabi mong mananatili ka
Pinangako mong kakapit ka,
pero bakit nagpatangay ka?
Ngayong naisulat ko na.
Hindi ko alam kung paano
Sa kung sino, saan, at paano natapos.
Dahil aaminin ko, hindi ko na tatangkaing alamin pa.
Basta ang sigurado,
naisulat ko na.
Ngayong naisulat ko na,
Tapos na.
Makakaalis kana.

Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one. He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments