nanloloko

Niloko o nanloko

by Max Nañasca | shared on He Said, She Said |

Kapag ikaw ay nagmamahal dapat ay totoo huwag na huwag kang manloloko.

Lahat tayo ay nasasabik magmahal kahit ano ay gagawin para lang sayong minamahal. Pero hindi mo ba naisip na ika’y pwedeng maloko? Na kapag ika’y nasa kanya nang palad ay pai-ikutin ka lang na parang trumpo? Trumpong papanuorin niya habang umiikot sa mga palad niyang malikot na kung san san lumilibot upang makahanap ulit ng trumpong mapapaikot.

Ngayon ikay aking tatanungin. Ikaw ba ay masaya sa iyong gawain? Ang manloko ng iba at sila ay paasahin? Ako na nagsasabi sayo huwag mo nang ulitin at baka ikaw ay malasin.

Ikaw ay isusumpa ng kalangitan sa iyong mga kagagawan. Lahat ng iyong mga kasalanan sa iyong niligawan. Bakit kasi kailangan mong manloko? Hindi ba’t kaya mo minahal kasi ay mamahalin mo ng tapat at totoo? Gumising magino-o ay teka mali … Maligno. Yan ang dapat na tawag sayo para sa mga panlolokong ginawa mo.

Ngayon para sa mga niloko.

Hindi pa yan ang katapusan ng mundo. Isa lang yang parang malaking quiapo tumingin ka lang sa kaliwa’t kanan at ikay makakatagpo ng mas gwapo kesa dun sa dati mong manliligaw na maligno.

Naaalala mo pa ba ang mga katagang ito? “Ikaw lang at wala nang iba.”

“Mahal na mahal kita at di ko kayang mabuhay ng wala ka.”

Pwe! Hindi mo kailangan ng mga mabubulaklak na salita. Ang kailangan mo ay isang taong tumutupad sa salita at dapat na palaging nandyan sa tuwing ika’y nangungulila. Lahat ng mga salitang kaya niyang bitawan sa ilalim man ng araw o buwan ay pakikinggan ng kalawakan sa mga pangakong kanyang bibitawan, na hindi ka paaasahin at muling iiwan sa gitna ng kawalan.

Ang kawalan na unti-unting kumakain dyan sa puso mong wasakan. At heto na nga tayo’y pinagtagpo. At heto ako para sa ‘yo sana naman ako’y mapansin mo.

Hihilumin ko ang puso mo. Papakinggan ko ang bawat hinaing ng damdamin mo. Makikinig ako sa lahat ng sasabihin mo.

Sumandal ka lang sakin at hindi ako lalayo. Ito ay tutuparin at pangako ko sayo hindi ka mabibigo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Share This!

Comments Go Here ▼

Comments

by Max Nañasca | shared on He Said, She Said | Kapag ikaw ay nagmamahal dapat ay totoo huwag na huwag kang manloloko. Lahat tayo ay nasasabik magmahal kahit ano ay gagawin para lang sayong minamahal. Pero hindi mo ba naisip na ika’y pwedeng maloko? Na kapag ika’y nasa kanya nang palad ay pai-ikutin ka …

Review Overview

User Rating: Be the first one !
0