BUMITAW PALA

Noong Bumitaw Ka Para Maging Pangalawa Sa Kanya

by Aizee Aure on He Said, She Said |

Oo tama. Holiday season yun nangyari.

Paskong-pasko hanggang matapos ang taon at pumasok ang bagong taon.

Dapat masaya sa mga araw na yan: lahat ng tao nagsasaya, nagse-celebrate. Pero ako? I was crying out loud. Suffering in pain for three weeks. Three weeks of darkness. Kadilimang dinala mo ng ikaw ay tuluyang nakuha at naagaw na niya.

Isang bangungot. Madilim na panaginip na pilit akong inilubog.

Oo napakahirap alisin sa isip ang ginawa mo. Ang pagtakas mo na ng biglaan. Para saan?

Sabi ko space lang para sa sarili. Iyan ang sinabi mo ngunit isang malaking kasinungalingan pala dahil isa lang ang totoong dahilan. Space para kumapit sa iba. Iyan pala talaga ang katotohanan.

Ni minsan hindi ko naisip na kaya mong magawa ang biglaang masilaw sa kanya. Oo nasilaw ka sa kung anong meron siya sa buhay. Materyal na bagay, pera, sa trabaho niya, sa disposisyon niya sa buhay na akala mo mas better s’ya sa ‘kin. Ang astig di ba?

Kinalimutan mo ang lahat ng meron TAYO dahil lang sa mga ganung pansariling dahilan mo. Alam mo hindi naman masakit na nawala ka. Hindi naman masakit ung di na kita marinig at makita sa araw araw. Dahil ang masakit ay yung mawalan ako ng tiwala sa sarili ko. Ang kumpyansa sa sarili ko, nawala na sa paulit-ulit mong pagpaparamdam na mas may makukuha ka at mapapakinabangan sa kanya.

Kaya ka bumitaw sa TAYO na nakita kong sa isang iglap kaya mong burahin lahat ng pagtingin mo sa ‘kin kapag nasilaw ka na sa inaakala mong mas better sa ‘kin.

Pagmamahal sa sarili. Oo yan ang nawala sa ‘kin. Dahil lahat nailaan na sa ‘yo.

Nahirapan ako na ibalik ang sarili ko. Saksi ang lahat na sadyang nahirapan ako na ibalik ung dating ako at ang pagkatao ko na ibinasura mo. Nang dahil lang sa kanya na kahit may matagal ng karelasyon ay kinuha ka pa din.

Gusto niya kase dalawa kayo. Ang saya nya di ba? Dalawa kayong lalaki sa buhay n’ya.

Ang damot niya. Na gusto n’ya makuha lahat basta magustuhan. Pati ikaw nakuha n’ya.

Ang maging pangalawa ka, yan ba ang makakapagpasaya sa ‘yo?

Nasaan ang totoong pagmamahal n’ya dun para sa ‘yo? Na ginawa ka lang pangalawa, na kailangan mong maging pribadong nilalang dahil itinatago ka n’ya sa lahat. Hindi ka n’ya puwedeng ilabas sa madla kahit na sabihin mo pang mahal ka n’ya.

Hindi ganon ang pagmamahal. Walang matinong babae ang gagawa ng ganong klaseng galaw ang mamangka sa dalawang ilog.

Sa totoo naaawa ako sa ‘yo para isiksik ang sarili mo sa kanya at maging pangalawa lang sa buhay nya. Aminin mo man at sa hindi itinatago ka n’ya. Samantalang ako ginawa ko ang lahat para mailabas ka, mailantad ka sa madla at lalo na sa aking pamilya.

Ang mga pinagdaanan natin para lang maipatanggap ka sa aking pamilya hindi biro di ba? Na parang sumusuot tayo sa butas ng karayom para lang matanggap nila yung TAYO at ang relasyon natin.

Ngunit ganun talaga. Nabulag ka na nga talaga sa iba.

Sa tingin mo madali sa ‘kin ang lahat? Na mabuo uli angsarili ko?

Pero tama ang lahat na makakaya ko naman. At sa wakas nakaya ko siya.

I am living proof na totoo pala na mamamatay lang ako habang nasasaktan pa.

Pero habang nawawala yung sakit, mabubuhay na ako ulit at haharapin ang bagong umaga.

At dumating na nga ang isang umagang nakaya ko nang bumangon at maramdamang na tapos na talaga — na wala ng dilim. Tapos na ang bangungot at babangon na ako ulit para harapin ang bagong chapter buhay ko ng hindi ka na kasama. At sa paglipas ng mga araw mabubuo na ako ulit. Mabubuo na ang puso at isang araw magiging handa na muling magmahal ng buo sa tamang tao. Sa taong hindi ako ipagpapalit lang sa bagong nakausap, kagaya ng ginawa mo na ipagpalit mo sa taong bago mo lang nakilala. Sa taong nagcomfort lang sa minsang kalungkutan mo.

Darating ang araw na mararamdaman kong kaya ko na ulit magmahal ng tapat sa taong hindi ako kayang iwan ng ganoon na lang. Na ipinagpalit sa babaeng walang kasiguraduhan.

Sayang ang lahat. Lalong-lalo na ang lahat ng nabuong pangarap ng magkasama, lahat yan wala na. At para sa ‘kin ibinaon ko na yan sa pinakamalalim na dagat kung saan hindi na mahuhukay pa.

Totoong lahat naman talaga ng nagmamahal nasasaktan pero ang dulot mo ibang klaseng sakit. Durog at pira-piraso ako. Dahil alam ko sa sarili ko na naging tapat ako mula umpisa hangang sa dulo nito, lumaban hanga’t kaya, kumapit pa kahit ikaw ay nakakapit na sa iba.

Hangang sa huli ibinigay ko naman lahat ng aking kaya.

Oo lahat lahat ng pagmamahal na kaya ko pang ibigay inilabas ko na hanggang sa dulo ng TAYO. Pero ngayon tapos na ako’y nakaBITAW na. Nakabitaw na sa iyong mga ALAALA at kahit kailan hindi na ako muling kakapit pa.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Share This!

Comments Go Here ▼

Comments

by Aizee Aure on He Said, She Said | Oo tama. Holiday season yun nangyari. Paskong-pasko hanggang matapos ang taon at pumasok ang bagong taon. Dapat masaya sa mga araw na yan: lahat ng tao nagsasaya, nagse-celebrate. Pero ako? I was crying out loud. Suffering in pain for three weeks. Three weeks of darkness. Kadilimang dinala mo ng ikaw …

Review Overview

User Rating: Be the first one !
0