Noong Una

by Kate Irish Villanueva | shared on He Said, She Said

Noong una
Hindi ako naniwala
Noong una
Sinabi ko sa sarili kong wala lang lahat ng iyan

At iyan na nga,
Lumipas na ang panahon
At sa paglipas nito, nakaramdam ako ng kakaiba
Na tila ba may kuryenteng dumadaloy sa ating mga kamay
Na para bang langit sa t’wing ika’y kasama
Na para bang sa bawat ngiti at titig mo ay ako’y natutunaw
Na para bang sa lahat nalang ng gawin mo’y ako’y naaapektuhan

Siguro nga’y ito na ang tinatawag nilang pagmamahal
Kaya nagpasya na akong sabihin na sayo ‘tong nararamdaman ko
Ngunit sa tingin ko’y huli na ang lahat
Gulo-gulo na at hindi na maisasaayos pa

Sana pala, noong una palang
Nasabi ko na
Sana pala, noong una palang
Naipadama ko na
Sana pala, noong una palang
Naisaayos na natin ang lahat
Edi sana, masaya na tayong dalawa
Pero wala na eh, sumuko ka na pala 🙂

Umalis ka na pala
Wala na palang naghihintay
Paalam nalang siguro
Sana’y maging masaya ka na.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments