Obra Maestra

by Homer Nievera | shared on He Said, She Said |

Simpleng haplos ng ‘yong kamay
Ayos na agad ang lahat.
Matamis mong titig
At dampi ng matamis mong halik
Dulot ay di mapantayang kaligayahan.

Sa lubos na sigla na dulot mo sa buhay ko
Doon pa lang panalo na ako;
Paano pa kaya ang pagpipinta
Ng ‘sandaang kulay na nagpapasigla
At pumupukaw sa dating tuyong damdamin?

Isang larawang obra maestra —
Ito marahil ang pag-ibig natin.
Likha ng Maestrong Pintor ng buhay
Di kayang pigilan ng bagyo’t unos
Umiigting sa paglipas ng panahon.

Minsa’y iniisip ko kung paano na lang,
Kung di kita natagpuan?
Saan kaya pupulutin ang ligaya?
Sino ang magbibigay ng masasayang kulay
Kung wala ka sa ‘king buhay?

Ngayo’y naniniwala akong magpapatuloy
Ang pagpipinta ng ‘sang obra maestra
Dahil habang ika’y nasa piling ko
At ako’y di magbabago
Parang malaking obra ang ating mundo.

[August 3, 2008]

Feel free to send in your poems via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done weekly. If they’re not posted yet, please send in another one.

Comments Go Here ▼

Comments