To the One Who Got Away

by M.A. | shared on He Said, She Said |

Hi. Kamusta ka na?

Simula nung pinili ko na ayusin ko muna yung sarili ko, lagi kitang nasa isip.

Gusto na kitang i-text, tawagan o kaya i-chat man lang. Pero natatakot ako sa baka baliwalain mo lang ako.

Alam ko nasaktan kita pero maniwala ka mahal kita — mahal na mahal. Alam ko, second chance na natin ‘to pero tulad nung first chance sinayang ko lang din.

Pero iba yung kuwento ngayon. Ikaw yung mahal ako ng sobra pero ako, ako yung magulo na di alam kung ano ba talaga.

Kaya habang inaayos ko yung ako, sana hintayin mo ako. Dahil naniniwala ako sa third chance at pag nangyari yun, tama na yung panahon.

Sa ngayon paghandaan na lang natin yung panahon na yun.

Abutin mo yung mga pangarap mo. Gawin mo yung mga plano mo.

I will always pray for you. I still love you and I already miss you.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments