Pa-Fall si Loko

by Yanna | shared on He Said, She Said

Hindi naman sa “umasa” ako pero kasi nag “i love you” ka.
Sinusubukan lang kita sumuko ka na,
Nasan na yung mga pangako mong maghihintay ka ?
Pati na din yung papatunayan mong seryoso ka ?

Hindi naman sa “umasa” ako pero kasi nag “i love you” ka,
araw-araw at paulit ulit na para bang nagpapaalala
na “mahal kita” at “ikaw lang talaga.”

Oo, umasa akong talagang mahal mo ‘ko at nahulog na ako sa’yo
Pero niloko mo lang pala ako,
at syempre ako naman ‘tong si tanga, umasa,
akala ko totoo na, akala ko seryoso ka
at nagtapos sa “akala ko lang pala.”

Matinong babae naman ako
pero bakit ipinagpalit mo ko sa ‘tamang landi’ na tao ?
Panget ba ako ? Kapalit-palit ba ako ?
Then why ? Hindi ba ako kaseryo-seryoso ?

Masaya naman “dati” tayo,
Sobrang sweet pa nga ng “good morning” messages mo.
Sobrang nakakamiss, Oo
Kaya nga okay lang ako !

Okay lang naman talaga ako,
Sobrang okay nga lalo nung yung “i love you” mo naging “sawa na ako.”
Nahawa ka na ata dun sa ahas na anak ni zuma na pinili mo.
Napakalaking insulto,
Isipin mo, pagpapalit mo na lang ako, sa hindi pa tao.

Okay, ihinto na natin ang pag-alala sa nakaraan
at simulan na sa present time.

Birthday ko, dapat sana lalabas tayo,
pero ngayon naghihintay na lang ako ng “sorry” mo.

Alam kong ayos lang naman tayo kaso walang “tayo”
so bale ayos lang ako at ayos lang din “kayo.”

Eto na, nagbalik ka, nangamusta ka,
Sabi mo nanghihinayang ka.
Tinanong mo kung minahal ba kita pati kung gusto pa ba kita.

Niloko mo ko tapos tatanungin mong “Gusto mo ba ako?”
Ayoko ng makipaglaro,
Ayoko na ulit maging taya sa larong ikaw lagi ang nawawala.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments