Paalam na

by Krislyn Mae Lavares Pacia | shared on He Said, She Said |

Mahal, asawa, baby, irog, sinta?
Walanghiya. At kung anu-ano pa.
Sumulat ako ng tula, para ilahad lahat ng sakit na nadarama.
Hayaan mong ik’wento ko kung pano nagumpisa at nagtapos ang ating storya.

Umpisahan natin sa kung saan nakilala kita.
Kung saan lubos tayong nagkakilala.
Kung saan mamahalin ka pala ng diko inakala.
Kung saan mahuhulog at sasaluhin, ngunit sandali lamang pala.

Sabi mo “Mahal kita.”
At naniniwala naman si tanga.
Kapag kasama ka nakakalimot sa problema.
Tuwing kasama ka pakiramdam ko totoo ang ‘yong nadarama?
Nguni’t kapag malayo na’y parang wala na.
Nais ko lang malaman kung minahal mo ba akong talaga? O naglaro ka lamang ba?
Sana nung una palang sinabi mo na!
Sinabi mo nang maglalaro lamang tayong dal’wa
di sana nakapagsapatos ako di ba?
Di sana alam kong dadating yung panahong mapapagod ka,
Mapapagod ka sa larong ikaw lang ang masaya.

Tandaan mo mahal kita.
Mahal kita pero tama na, hinto na, ayoko na.
Pagod nako sa larong ikaw lang ang masaya.
Patawad mahal pero ititigil ko na.
Mahal kita pero may hangganan din pala.

Pinakawalan kita! Pinakawalan kita!
Dahil nagbaka sakali akong bumalik ka,
At ako’y ipaglaban mo pa.
Ngunit ang nangyari ay iba!
Nakilala mo sya, at ako’y nakalimutan na.
Sana pala di na kita pinakawalan pa,
At tiniis lahat ng sakit na nadarama.

Alam kong mahal mo na s’ya.
Tuwing nakikita ko ang saya sa’yong mga mata,
aking hinihiling sana’y ako na lamang s’ya.
Ang taong naglalagay ng ngiti sa ‘yong labi
at kislap sa ‘yong mga mata.

Sinta, sana makarating sa ‘yo ang aking nadarama.
Hindi upang maawa ka, kundi para malaman mong
masaya ako’t nakilala kita.
Hanggang dito nalang ang aking tula.
Nagumpisa tayo sa kung saan nakilala kita,
At di ko akalaing magtatapos sa mahal kita
pero paalam na.


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleP’wede nang Tayo
Next articleTrisha