Paalam sa Huling Sandali

by EAO |  shared on He Said, She Said

Sumulat ako dito kahit batid ko naman na hindi mo ito mababasa.

Hindi ko alam kung paano ko sisismulan, pag papaalam sayo parang hindi ko kayang panindigan.

Mahal mali ba ko ng desisyon na ikaw ay talikuran? Patawarin mo sana ako kung takot ang una kong naramdaman, na baka katulad ng nauna ako ay iwan mo din at kalimutan.

Mahal dito ko nais sabihin ang lahat. Mga bagay na pilit kong tinago para sarili ko’y di masaktan.

Kapag sinasabi mo sa ‘king ako ay iyong mahal, gusto kitang sagutin na mahal din kita, ngunit natatakot akong baka hindi ko kayang panindigan at sa huli ikaw ay masaktan. Mahal, nais kong ikaw at ako ang magkatuluyan ngunit baka tila mapaglaro ang tadhana at binibigyan n’ya ko ng dahilan para sa ‘yo kumawala. Gusto kong balikan kung saan tayo nag simula, pero huli na ‘ata.

Naalala ko nung mga panahong ako ay nililigawan mo pa lang, palagi ka sa tabi ko at hindi aalis ng hindin nagpapaalam. Sa umaga na pagbati ng good morning nais kong balikan, ang pagtawag mo sa ‘kin na SINISINTA nais kong muling marinig sa ‘yo dahil ang sarap nitong pakinggan.

Sa uwian di ko maiwasang mapatingin sa lugar kung saan mo ‘ko laging hinihintay, nagbabakasaling isang araw doon ikaw ay magisnan. Nahihirapan ako sa araw araw. Nakikita na parang di mo na ‘ko kilala. Ang relasyong nabuo sa pagkakaibigan, hanggang sa naging mas malalim pa nag-ugnayan ngayon ay bumalik sa simula na parang hindi na magkakilala ni hindi makapag-batian o kaya’y magkatinginan.

Patawad kung hindi ko man lang nabigyan ng pagkakataon na tayo ay maging tayo. Iiwas na lamang ako habang tayo’y magkasama pa sa trabaho kung saan tayo nagkakilala.

Mahal ko namimiss na kita at ako ay umaasang ganun din ang iyong nadarama. Paalam sa huling sandali na sana ang landas natin ay magkrus muli.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments