Paano Ang Mahal ay Nahantong sa Nakaraan

by Francheska Tenorio | shared on He Said, She Said

Iku-kuwento ko sa kanila kung paano ang mahal ay nahantong sa nakaraan.
Ikaw, ang nakaraang hindi na dapat binabalikan
Nakaraang aking pilit ng kinalimutan
Nakaraang labis na nagdulot ng kalungkutan
dito sa kaibuturan.
kaibuturan ng puso kong labis na nahihirapan.
dahil sa ginawa mong pang iiwan
na sa kabila ng pagkalimot mo
ay s’ya namang pilit kong pagalala sa ‘yo
pagalala kung paano tayo nagsimula
pagalala sa mga alaala na ginawa nating dalawa
pagalala sa mga pangarap na ating binuo
pagalala sa nga pangakong napako
pagalala kung paano ko naramdam yung mga paro paro sa t’yan ko
nung binanggit mo ang nga katagang “ang ganda mo”
pag-alala.
pag-alala na pilit ko ng kinakalimutan.
Mga alaala na ni minsan hindi ko gustong pumasok sa ‘king isipan.
alaala kung paano unti unti tayong nagbago.
bilog nga ‘tong mundo.
walang permanente sa buhay ng tao. dahil sa bawat paghinga ko,
bawat paghihintay ko sa pagpansin mo,
ay siya namang paglayo mo
at paglimot sa lahat ng Pangako
Paglimot sa alaala na meron tayo.
Paglimot kung paano tayo nagsimula.
Paglimot sa kung paano mo ako sabihan ng “Ang ganda mo”
paglimot sa mga pangarap na sabay nating plinano
at nahinto tayo dun sa “Plano”
At nagtapos tayo dun sa “Paalam na mahal ko”
Naiwan akong lulan ng tanong at pagtataka.
ano nga ba ang dahilan?
at napagtanto ko.
isinigaw sa ‘kin ng buwan.
idinampi sa ‘kin ng hangin.
Sa paglalakbay ko sa dalampasigan, inihampas sa ‘kin ng alon.
Narinig ko, naramdaman ko.
Unti-unting kong minulat ang aking mata,
ang aking puso
at ang aking pandama.
Sa pagmamasid ko sa aking paligid.
Kawalan ang aking nakita.
Habang ang dalawang tao ay nagsasaya.

Hindi ko alam kung bakit tayo nagkaganto,
Piniling burahin bawat litrato
Dito sa aking telepono, at higit sa lahat sa puso ko.
Piniling maging masaya
para maipakita,
na okay ako.
okay ako
kahit wala ka!
okay ako
kasi masaya ka na
na wala ako sa bawat litrato na idinadagdag mo
sa kwento ng iyong pagkatao
okay ako pero
Nasaktan ako.
Sa mga akto mo,
sa mga salita mo na binuhay ang kaba at kilig dito sa aking dibdib.
ay taliwas pala sa tunay na nararamdaman ng puso mo.
Na hindi ako, hindi para sa ‘kin.
Napipilitang ibigay ang pagmamahal, na hindi pala para sa ‘kin.
kaya mas pinili mong limutin.
Pero okay ako
kahit hindi mo na ko naalala
na kahit pagngiti ay wala na
okay ako
kaya ko
na mapanggap na masaya
na mapanggap na okay lang kahit wala ka
na mapanggap na hindi ikaw ang nagpapasaya
Okay ako kahit hindi na.
hindi na ako yung nagpapasaya
hindi na ako ang gusto mong makasama
hindi ako at s’ya pala talaga.

Tinuldukan mo na ang k’wento.
na hindi pa man nakakarating sa dulo
at hindi na makakarating pa
dahil wala na.
wala ng tayo.
ay Mali, wala talagang tayo.
ni Simula ay wala
kahit ilang taon at buwan pa ang dumaan.
hindi ikaw ang makakasama ko sa hinihintay ng karamihan.
hindi ikaw ang makakasama ko sa walang hanggan.
hindi ikaw ang kasabay kong puputi ang buhok,
hindi ikaw ang tamang tao, sa tamang panahon.
hindi ikaw “yung ikaw” sa istoryang nais kong simulan.
Sa istoryang “may ikaw at ako”
Hindi ikaw.
Hindi ko ginusto, pero maniwala ka pinaglaban ko!
Lumaban ako kahit alam kong umpisa palang talo na.
Umpisa palang, wala na akong pinaglalaban.
Dahil base sa kanilang k’wento,
nakakalungkot
nakakabalisa
nakakaiyak
nakakakasakit
Nakakatula
Mga luha ko sa mata’y tila ayaw tumila
Mga luha ko sa mata’y malakas pa
sa iyong maririnig pag sumigaw ka sa kawalan.
Mga luha ko ay naguunahan, dahil ang sakit.
Sakit na dulot
Na sa kabila pagpapanggap ko na maging okay sa harapan mo
ay siya ring pagpapanggap mo na ako
na ako ang Gusto mo.
Pero ang totoo
Yung kaybigan ko.
Siya.
siya ang gusto mong makasama sa kwento at sa mga litrato.
siya ang tunay na nakakapagpasaya sa ‘yo.
at kaylang man hindi magiging AKO ang salitang SIYA.

Saksi ang Tirik na Araw at Maliwanag na Buwan.
Sa kung paano nagsimula, kung paano natin sinimulan.
Kung paano unti unti,
ay nahulog
Nagsimulang tumibok itong puso
nagsimulang makaramdam ng kaba sa t’wing ika’y makikita
Kilig ang nadarama, Saya kapag ikaw ay kasama.
Naalala ko pa.
Kung kaylan nagsimula.
Kung kaylan ako nahulog,
at sinalo mo ako.
Sinalo mo ako,
Kahit siya, siya ang gusto mong saluhin.
Sinalo mo ako,
Para ipakita na ako
Para magpanggap na ako
Para hindi masira ang pagkakaibigan niyo.
Para maisalba ang samahang pilit mong kinukuhan ng litrato,
Na kahit masira ako, masaktan ako, magmuka akong tanga
okay lang sa ‘yo.
dahil gusto mong ipagpilitan
na ikaw yung “ikaw” sa istoryang “ikaw at ako”
na iyong binuo at paulit-ulit mong kinuk’wento.
Tama. kailanman hindi magiging AKO ang salitang SIYA.
“Ikaw at Siya”
ang nais mo, kahit tutol itong mundo.

Naging makulimlim.
Tila natabunan ng ulap ang Haring araw.
Dumilim ang kalangitan
Tila natabunan ng ulap ang Maliwanag na buwan.
Kasabay ng pagsara ko, sa libro ng Kwentong “ikaw at ako”
Kasabay ng tuluyang paglimot.
Sa simula
Sa alaala.
Sa plano.
Sa pangako.
Sa sinabi mong “ang ganda mo”
Kasabay ng mga salitang “okay ako”
Kasabay ng pagpunas ng luha at pagtitig ko.
Sa kawalan
ay aking tuluyang nakita ang dalawang taong nagsasaya.
At higit sa lahat, kasabay ng pagkuha ng pambura.
Pagbura sa ” ako” ng “ikaw at ako”
Kasabay ng pagsulat ng Siya at kailanman hindi magiging Ako.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments