Paano Mo Nasabi

by Jezreel Faith Valdez | via He Said She Said |

Sa bawat araw na nagdaan
Saksi ang bituin at ang buwan
Kung gaano ako katagal maghintay
Maghintay para makausap ka lamang

Ano nga bang gusto ko?
Gusto ko? Oras mo
Gusto kong maranasan ang pagpapahalaga mo
Na unting unting nawala nang magkahiwalay tayo
Kala ko sa pangalawang pagkakataon, magiging ayos ang lahat
Akala ko sa pangalawang pagkakataon, mas magiging maganda etong ating relasyon
Akala ko sa pangalawang pagkakataon, papahalagahan mo ko
Hindi pala, lahat pala sa una lang talaga

Mahal paano mo nasabing mahal mo ko kung sa twing magkasama tayo lagi kang nalingon sa ibang dako
Paano mo nasabing mahal mo ko kung miski oras mo para sakin ay napakalimitado
Paano mo nasabing mahal mo ko kung bawat araw di mo naiisip na nag aalala ako sayo
Na sa bawat pag aalala ko, iniisip mong mali ako
Na sa bawat pag aalala ko, iniisip mong napakaparanoid ko
Mahal paano? Sabihin mo sakin kung paano?
Paano mo nasabing mahal mo ko kung mismong kaligayahan ko pinagkakait mo
Kaligayahan ko na makausap ka, kaligayahan ko na makasama
Pero mahal bakit? Bakit pati yon sakin ay pinagkait mo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleKuwento
Next articleMaghihintay Ako