Paano Nga Ba?

by Skolarian | shared on He Said, She Said

Sana madali lang makalimot noh?
Pero ang hirap pala.
lalo na kung sabay kayo nangarap
at bumuo ng hinaharap
na parang wala ng bukas.

Yung mga pangarap
na matagal niyong pinagkatiwalaan..
yung naniwala ka na eto na
nahanap mo na siya
yung taong magpapasaya sayo
yung taong hindi ka sasaktan.

Pag-aalayan mu ng mga kanta at tula
na lumilikha sa mga kataga,
Mga katagang alam mong aakma
sa tamis at sarap ng pagkakayakap.

Ang hirap pala,
kasi nasanay ka na sa paggising mo
siya ang iyong makakaharap,
Siya ang magsisilbing alarm clock
at sabay na haharap sa araw
na unti unting umaangat.

Paano nga ba?
Paano mo haharapin ang bukas
ng hindi na siya ang kasama?
Paano ka uusad
kung ang gulong ay nag iisa na.

Kung paanong nagsimula tayo
sa salitang “Forever Ikaw at Ako lang”
na humantong sa mga haka-hakang
“baka ako na lang”

Na baka ako na lang
ang tanging lumalaban
at gustong isalba
ang lahat ng nasimulan.

Pero kailangan tuldukan sa salitang
“hanggang dito na lang”
at tanggapin na ang salitang “TAYO”
ay meron ding hangganan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments