Pag-ibig Nga Ba?

by BOSS | shared on He Said, She Said |

Minsan sa buhay ay dumating ang isang pagkakataon
Matatamis na salita mula sayo ay ikinahon
Dito sa sulok ng aking puso at hanggang ngaun ay naroon
Walang ano ano biglang binura ito ng panahon

Pagmamahal mo at katatagan ay aking nasubukan
Sapagka’t sa walang dahilan ako ay binitawan
Sadya nga bang pag ibig mo ay mahina lamang
Dahil agad na sumuko sa simpleng problema lang

Minsan naituro ng aking mahal na ama
Palabra de Honor ay pakaingatan talaga
Hindi ka man mayaman at mayabang ka pa
Ang mahalaga salita mo ay mapapanindigan mo pa

Bakit kaya pag ibig at pangako ay kay daling ibigay
Hanggang saan paninindigan ang ganitong bagay
Mula’t sapul ay namulat babae ka man turingan
Nagbitaw ka ng salita dalhin mo hanggang kamatayan

Pagluha at pagdaramdam ay natapos na
Pangungulila sa presensya mo ay nalampasan na
Ngaun sa iyong pag alis aking ipababaon na
Pagpapatawad at paglimot sau ay ipapakamit na

Tadhana ay gustong subukin sa iyong paglisan
Alam ko magkikita pa sa darating na mga araw
Ang hiling ko Lang sa Diyos na lumalang
Sa panahon na makita ka sana kapwa tayo okay na lamang

Sakit at pagdaramdam ay nais nang kalimutan
Masasayang alaala at mapapait na nakaraan
Matatamis na salita sana sa susunod wag basta bitawan
Nang iyong maiwasan makasakit ka na naman

Huwag kang susubok na magmahal muli
Kung hindi ka pa sigurado sa iyong pinili
Sapagka’t ang sakit hindi basta napapawi
Kahit daanin pa ito sa malakas na tawa at matamis na ngiti

Sadya yatang sa pag ibig palagi kailangan ay mamili
Sino ang mas matimbang at sa puso ay mananatili
Nguni’t hindi ba pwede parehas ang pagpili
Lalo na at hindi naman ito magkatunggali

Ang nakakasakit lang hindi ka hinanap at pinilit
Sapagka’t ayaw ko nga at takot na sakit ay maulit
Subalit ang katulad mo ay sadyang makulit
Nang ako ay magpapilit ikaw naman ay umalis

Ngayon ay paano pa wala ng magagawa pa
Ang kalimutan ka at sabi nga ay ‘wag nang umasa
Maraming darating na mas nakakahigit pa
Subalit ang puso ko ay pagod at ayaw na

Ayaw ko na pakahabaan pa itong tula n ginawa
Baka mabasa mo sakit ng kalooban mo ikaw ay lumuha
Panunumbat at hinanakit ayaw ko ng sambitin pa
Tiwala ko at pagmamahal ay ibabaon ko na

Inangkupo ang oras ay hindi na napansin pa
Hatinggabi na pala lumampas n sa kaka drama
Kailangan na matulog at baka lumala pa
Ang puyat na dala ng sakit na insomnia.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments