Paglimot

by Carl Jhervin | shared on He Said, She Said |

Muling nangungulila,
Muling nabubuhay ang mga gunita.
Kahit na piliting limutin ka,
Talildan mga alaala’y ‘di ko magawa.
Ayaw ko mang bumalik sa nakaraan,
Tila hinihila kahit ayaw nang balikan.
Mga alaalang unti unting pumapatay.
Mga alaalang na sa aki’y dati bumubuhay.

Mga panahong nagpapakatanga pa,
Sa taong minahal ngunit nagsawa na,
Ayaw nang balikan ngunit palaging binabagabag,
Gustong sa sarili’y magkaroon naman ng habag.

Tama na! tama na pwede ba?
Sa sakit na nadama’y sapat na.
Mga alaalang hindi na pwedeng balikan pa,
Sa taong hindi na babalik, kailanma’y wala na.

Pagtingi’y susubukan nang ibaling,
Pusong wasak na, pipiliting bubuuin.
Nang sa susunod na pagkakatao’y handa na,
Handa nang umibig muli, handa sa pagbuo ng bagong alaala.

Ito na ang huling beses na magsusulat ako
Magsusulat ng tulang umuuukol sa iyo
Sa paglipas ng nakaraang taon ay isasabay
Mga luha, hinagpis, mga alaala’t pagmamahal.

Susubukang ibaling ang tingin.
Susubukang ibalik ang lahat ng nasira sa akin.
Susubukang pulutin ang mga pirasong nalagas.
Susubukang buhayin ang pusong naagnas.

Kailangan ba talagang maramdaman ito?
Hindi ko na alam ang kahahantungan ko.
Siguro nga’y pag-ibig ay talagang di sapat,
Mga bagay na nagawa’y hindi dapat.

Susubukang ibaling, pangako ko sa sarili ko.
Sana yung dati nalang, yung dating ikaw at ako.
Ngunit ang mga puso’y sadyang napagod na,
Pagod kakaisip kung paano maibabalik ang wala na.

Oras at panahon, yan ang kailangan natin.
Oras at panahon, para sa sarili hindi para sa “atin.”
Oras ay kailangan, sana ay maayos pa.
Panahon ang magdidikta kung laban pa o suko na.

Sana ay magtiwala sa pagmamahalang naudlot,
Na sa isa’t isa’y kabutihan ang dulot.
Siguro nga’y kailangan para mapagtanto,
Mga bagay na nasimulan, hindi dapat nauwi sa ganito.

Mga gunita, sa isip sana’y panandaliang mawala,
Ibabaling sa iba, atensyong tila wala na.
Ibabaling sa iba, pero hindi ang pagtingin ko.
Sapagkat kahit sawa na, ikaw parin iniirog ko.

Sabi ng isip ko ay “tama na, manhid ka na.”
Sabi ng puso ko’y “kapit lang kahit masakit na.”
Hindi mawari kung alin ang mas tama sundin,
Kung ang utak bang sawa na, o pusong kumakapit pa.

Kapit. Kakapit. Kumakapit. Kumapit.
Paniniwala. Maniniwala. Naniniwala. Naniwala.
Asa. Aasa. Umaasa. Umasa.
Pagmamahal. Magmamahal. Nagmamahal. Nagmahal.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments