Pakilinaw Naman

ni Jarian Felipe

Mahal pwede ba ‘kong magtanong sa ‘yo?
Maraming bagay kasi sa ‘king isipa’y gumugulo,
Pwede bang ipaintindi mo sakin ang totoo?
Upang ang aking isipan di matuliro.

Sino nga ba sa ‘min, siya na mahal mo
o ako na mahalaga para sa ‘yo?
O teka, ‘wag ka ng sumagot dahil sa umpisa p alang alam ko na kung sino,
Kung sino ba ang nilalaman ng puso mo
At hanggang ngayon hindi maproseso ng utak ko ang totoo.

Nakakalungkot lang dahil minsan ‘di mo ko mapagbigyan,
Di mo ko kayang pagbigyan sa mumuntikong kahilingan,
Kahilingan na sa puso ko’y magbibigay kasiyahan,
Ngunit bamagat subalit datapwa’t iyun din ang patungo sa ‘kin sa kalungkutan.

Kaya mahal kung wala ka saking nararamdaman,
Pakiusap utang na loob makisama ka naman,
Tao din ako may pusong nasasaktan,
Dahil ayoko ng mas lumalim pa ang marka sa puso kong sugatan.

Comments Go Here ▼

Comments