Pala-isipan

by Alohamae Capua | shared on He Said, She Said |

Hindi naman ikaw yung gusto ko
Pero ewan ko bat nauwi ako sa ‘yo
Sa panahon na di ko alam kung sino ako
At malamang ikaw ang sagot sa tanong na ‘to.

Di ko nga alam kung saan papunta to
Sana balang araw maging ikaw at ako
Sa mundong hindi mo alam at hindi mo sigurado
Ang mga taong nakapaligid rito.

Sa oras na dumating ito
Puwede bang maging tayo?
Gusto ko kasing mapasa’yo
Kung pag bibigyan man kahit papaano.

Puwede bang abutin ‘to ng taon?
At dadalhin na lang ng panahon
Ayaw ko kasing anudin na lang ng alon
Di na kasi akong maka ahon.

Sa pag-ibig na iyong pinapadama
Ayaw ko namang maging madrama
Pero ako’y nagiging totoo lang sinta
Puwede bang ito’y pang habang-buhay na?

Siguro masyado tayong mabilis
Pero pangako walang mintis
Ang pagibig na iaalay lamang para sa ‘yo
Buong buo at walang halong biro.

Ganito lang naman kasi ako mag seryoso
Mahal kita at mamahalin pa kita ng todo
Maniwala ka man o hindi ito ay totooo
Kaya pangako ikaw lang sinta ko.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments