Palit Tayo

by Marie Daniot Tiongzon | shared on He Said, She Said |

Pwede bang ikaw naman ang maghihintay,
Sa bawat oras na nalulumbay,
Isipan mo naman yong maglalakbay
Sa panahong naghihintay ng karamay.
Palit tayo

Ikaw naman ang iiyak sa sulok,
Sa Kwarto’y magmomokmok
Damdaming parang mag aamok
Sa oras na di ka nakatutok.
Palit tayo.

Ikaw naman yong aasa,
Yong parang pinagmumukhang tanga
Yong tipong nakatunganga
Naghihintay sa aking pagsinta!
Palit tayo!

Ikaw naman yong ngumingiti,
Itinatago yong hapdi
At sinikap mapapawi
Mga alinlangan ng isang sawi..
Palit tayo!

Sadyang ganito tayo
Hinding Hindi magkakatagpo
Hanggat may hadlang ang Puso
Sa relasyong lumalabo.

Magpalitan man tayo
Hindi pa rin mababago
Ang katotohanan sa likod nito
Na ang salitang iyong pinauso
Na yong “ikaw lang at ako”
Ay Hindi kailan man magkakatotoo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments