Para sa babaeng minahal ng isang linggo

salamat isang linggo

mula kay Mica | He Said, She Said |

Isang linggo kapalit ng dalawang taon.

Naging masaya kayo sa panahong kayong dalawa ang nagaalayan ng pagmamahal ngunit meron kayong nasasaktan.

Sapat bang sabihin na “you’re worth the risk” kung ang pagkakataon ay namali nang oras? Marami naging sagabal ang inyong pagmamahalan kaya mas piniling bumalik sa nakaraan. Kung saan mas pinili niyong bumalik sa minsang inyong iniwan para sa sariling pagmamahalan.  Tinanggap muli ng nakaraan na parang walang nangyaring sakiman.

Nasanay na sa isang linggong pagmamahalan.

Ngunit tapos na; tapos na ang kahibangan niyong kayo ang magiging sa isa’t-isa pero madami pang pagkakataon baka balang-araw kayo rin ang magkatuluyan. Ngayon kami na ulit muna. maghintay kayo sa tamang oras at sa tamang pagkakataon. Ako na iniwan ng isang linggo para sa ‘yo.

Salamat at napag-alayan mo siya ng pagmamahal na siguro’y hindi ko naibigay sa kanya kaya siya napa sa iyo.

Patawad dahil hindi pa ito ang tamang oras. Pero ngayon kami ulit ang magpapatuloy ng kuwento pati na rin kayo ng nakaraan mo.

Maging masaya tayo sa kasalukuyan.

Salamat at patawad.

(Galing sa babaeng minahal ng dalawang taon at pinili sa kasalukuyan)


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments