Para sa GF ng EX Ko

mula sa Pinlastik ng Mala-anghel na Mukha |

I know that you know na may ‘KAMI’ una pa lang.
Alam ko din ang intensyon mo.
Alam ko din na nagbabait-baitan ka.
Alam ko din na nagpapa-impress ka lang (mayabang porket maganda).
Alam ko na yang mga sorry mo ay para masabihin ka lang ng ‘mabait.’
Alam ko na nagpapanggap ka na ikaw ang ‘biktima’ dito na alam mo namang wala talaga silang binabatong masasamang salita sa’yo.
Alam kong sa lahat ng ginagawa mo may BAHONG nakatago.
Alam ko ring sinabi mo na ‘Okay lang kung magbalikan sila, at least nasira ko silang dalawa.’
Alam ko rin na ‘you’d grab the chance’ nung nag-aaway kami kaya mas gumulo yung sitwasyon.
Ngunit nagtataka ka siguro kung bakit alam ko pero hindi ako nagsalita o hindi kita pinapatulan.

Now read this para malaman mo kung bakit.
Saan ko nakuha yang mga sinasabi ko?

Nababasa ko sa conversation niyo ng ex ko. Nirereport sa akin ng ibang friends mo ang mga sinasabi mo. Sinasabi rin ng tita ko kung paano kayo maglandian sa gabi sa kalsada kasama ang sasakyan niya.

Nagulat ka ‘no? Sa tingin mo ba hindi kilala ng pamilya ko yang kaisa-isang lalaking minahal ko ng tunay? And sa statement mo na ‘Okay lang kahit magbalikan sila at least nasira ko silang dalawa.’ So okay lang na mawala siya sa ‘yo? Okay lang?! NAPAKA LINIS PO NG INTENTION MO SOBRANG LINIS MAS MALINIS PA SA PUTI. Hindi ako nasaktan para sa sarili ko, nasaktan ako para sa ex ko. That he chose you over me. He chose your face over the memories that we had. He chose you, Ate! Pinili ka niya! Pero your intention is darker than black. Ano’ng klaseng pag-iisip po yan?

I chose to keep quiet even though pinapatay na ako ng konsiyensiya ko kase sobrang concern padin ako sa ex ko kase mahal ko pa siya. Pinili kong tumahimik dahil ayokong masira ang relasyon niyong dalawa. Pinili kong tumahimik kase alam ko ang mararamdaman mo pag-iniwan ka niya na ayaw kung maramdaman mo kase sobrang sakit. Yung mapapa-iyak ka na lang habang naliligo, habang natutulog.

Kahit napakadami mong sinsabi tungkol sa akin (kase naman parang ikaw yung naiwan kung umasta ka) pinipili ko pa ding manahimik dahil ayaw ko ng away at alam kong mapapahiya ka lang din, at umasa ka na walang lalabas sa bibig ko kahit sobrang gigil na ako. Nanahimik ako hindi dahil takot ako sa ‘yo kundi dahil wala akong mapapala kundi kahihiyan ‘pag pinatulan pa kita. Hindi dahil hindi kita pinapatulan hindi na ako galit sa ‘yo. Wala kang alam sa nararamdaman ko. Nakakagulat iba? I’m silently playing with your sh*ts girl. Tanungin mo sa ex ko, sobrang takot magsinungaling sa akin yan pero nagawa niya para sa ‘yo.

And maybe you are laughing for making my life a disaster. Well that’s a good laugh — laugh harder girl. Just laugh until tears will visit you itself.

Yang sinungkit mo mula sa puno ko? Alagaan mong mabuti. ‘Wag mo siyang lolokohin. Mahalin mo siya ng tapat. Pinitas mo na kase eh, mahirap ng ibalik yan kaya sa ‘yong sa ‘yo na. Pagbutihan mo ang pag-aalaga. Maraming nakaabang sa paligid Ate.

– Pinlastik ng mala-anghel na mukha

Comments Go Here ▼

Comments