Para sa lalaking minahal ko ng Lubos

by RDR | shared on He Said, She Said |

Sana’y basahin mo ito mula umpisa hanggang sa hulihan
Nais ko lang muling balikan ang nakaraan
Ako’y iyo sanang pagbigyan kahit ngayon lang
Akin lamang ipapaalam ang tunay na nararamdaman.

Magsisimula ako sa umpisa
Sa araw na ikaw ay nakilala
Di inakalang ika’y magiging mahalaga
Tanging inisip ay pampalipas oras lamang

Tayo’y masayang nagkwekwentuhan
Oras tila ba’y di na namalayan
Hanggang sa nawalan na ng lakas
At ikaw nga ay nagpaalam na.

Akala ko’y di na muling makakausap pa
Pero salamat dahil ika’y muling nagparamdam
Dito na nagsimula ang lahat
Simpleng kwentuhan nauwi sa aminan.

Ako’y lubos na nagalak
Dahil ika’y nakilala
Ikaw ay sobrang kahanga-hanga
At maipagmamalaking talaga

Kaya ng malaman kong ako’y iyong mahal
Puso ko’y lubos na natuwa
Tila ba’y di makapaniwala
Sa biyayang natanggap

Kahit malayo sa isa’t-isa
Pagmamahal mo’y naramdaman kong talaga
Laging pinaparamdam
Na ako’y di nag-iisa

Ika’y laging anjan para sumuporta sa lahat
Ni minsa’y di pinaramdam na di ko kaya
Ika’y laging anjan para umintindi
Kahit na alam kong ika’y nahihirapan din

Kailanma’y di nagsawa
Magpapahinga lang pero walang sukuan
Laging may oras na para sakin ay laan
Kahit na maraming gawain ang nagaabang.

Masasabi kong napakaswerte ko
Dahil mayroon akong tulad mo
Tila ba ika’y kakaiba
Dahil puso ko’y nabihag mong talaga

Masaya na sana
Kaso ako’y sobrang tanga
Minahal kita ng sobra
Pero nasaktan kita

Katotohana’y di sinabi agad
Dahil ako’y lubos na naduwag
Inisip na baka ikaw ay mawala
Di ko kakayanin pag iyon ay naganap

Nag-antay sa tamang panahon
Pero nauwi sa maling pagkakataon
Pasko mo’y malungkot
Ako ang dahilan ng lahat ng iyon

Di ko sinadyang saktan ka
Ako’y tao lang na nagmamahal
Natakot akong ipahayag ang katotohanan
Dahil lubos na kitang mahal at ayokong mawala ka pa

Ngunit sa kabila ng lahat
Pinili kong maging matatag
Dahil aking napagalamanan
Na katotohana’y di maitatago habambuhay

Nung una’y ayaw mong maniwala
Dahil don mas napatunayan kong ako’y mahal mong talaga
Ipinilit sayo ang katotohanan
At sa huli ikaw din ay naniwala.

Ako’y kinabahan
Ngunit ako’y lubos mo ding napahanga
Dahil sa kabila ng lahat
Mabuting ugali pa rin ang iyong ipinakita.

Dahil sa katotohanang nalaman
Salitang ‘tayo’ tila ba’y naging bula
Lahat ng ito ay dahil sa aking kagaguhan
Di naman talaga sinasadyang ikaw ay saktan

Ako’y lubos ding nasaktan
Dahil tulad mo’y aking sinayang
Di lang ‘tayo’ ang aking sinira
Kundi pati ang pasko mong dapat ay masaya

Ganun pa man salamat sa lahat
Dahil kahit ika’y aking nasaktan
Pinili mo pa ring ayusin ang gulong aking ginawa
Dahil jan mas lalo kitang minahal.

Kahit katotohana’y iyong nalaman
Ika’y di nagdalawang isip at ako’y kinantahan
Boses mo’y paulit ulit pinakinggan
Tanging hinahangad na maisalba pa ang nasimulan

Ngunit huli na ang lahat
Ikaw sa akin ay nagpaliwanag
Sinabing ayaw mo na
At di na pwede kailanman

Masakit man para saakin
Pero desisyon mo’y rerespetuhin
Ayokong mamilit
Dahil ako ang nakasakit.

Lumipas ang ilang araw
Tiniis kong sayo’y wag magparamdam
Ako’y lubos na nahihirapan
Sa sitwasyong ating pinagdadaanan

Isang araw ika’y nangamusta
Kominikasyo’y nagsimula nanaman
Ako’y nataranta
Dahil puso ko’y sumaya nanaman

Ngunit iyon ay di nagtagal
Kominikasyo’y nawala na naman
Nais sana kitang makausap
Pero ako’y nahihirapan na.

Mahalagang parte ng tula ay magsisimula na
Di ko ipipilit sayo na ito’y iyong paniwalaan
Pero aking ninanais na patuloy kang magbasa
Ito’y kinimkim ng ilang araw.

Mabigat sa damdamin na ito’y kimkimin
Ngunit natatakot saiyo ay sabihin
Kaya idadaan na lamang dito
Sana iyong intindihin

Minsan na akong nagsinungaling
Minsan na kitang niloko
Ngunit nais kong malaman mo
Hanggang ngayon mahal pa rin kita ng totoo.

Gusto kitang tawagan
At ito sayo’y ipahayag
Pero ako’y naduduwag nanaman
Dahil mukhang may iba na sayo’y nagpapaligaya

Iyong pakatatandaan
Ako’y andito lang laging nakasuporta
Mapunta ka man sa iba
Ako’y andito lang kahit bilang kaibigan lang.

Sa huling pagkakataon ako’y hihingi ng paunmanhin
Patawad sa lahat ng aking nagawang mali
Saktan ka’y di ko sadya
Di ka karapat dapat sa aking ginawa

Salamat sa lahat-lahat
Ika’y naging isang mabuting halimbawa
Pangako ko sayo
Kasalanang nagawa di na muling uulitin pa

Sana ika’y makatagpo ng taong papaligayahin ka ng lubos
Babaeng di gagawin ang pagkakamaling nagawa ko noon
Karapatdapat kang mahalin ng totoo
Dahil isa kang mabuting taong nagmamahal ng lubos

Kahit ngayon lang
Ako sana’y iyong hayaan
Nais kita muling tawaging ‘mahal’
At sabihin ang tunay na nararamdaman

Mahal, nais ko’y iyong malaman
Ako’y andito lang kung kailangan mo ng makakausap
Di ako lalayo o iiwas
Dahil dito ako masaya

Kung sakaling ika’y may bago na
Sana ika’y maging masaya sakanya
Andito lang ako laging nakasuporta
Kahit lubos ng nasasaktan at nahihirapan

Malaman ko lang na masaya ka
Ako’y magiging masaya na rin
Kahit na hindi ako ang dahilan
Ng iyong mga ngiti

Mahal na mahal kita
Iyan sana ay iyong pakakatandaan
Marami mang magbago
Ikaw ay lagi pa ring may lugar sa aking puso

Ako’y aasa
Na mukha mo’y masilayan sa personal
At ngiti mo’y makita
At makausap ka kahit saglit lang

“You’re one of the most wonderful blessing I’d received in my entire life and the best thing happened to me last year. Thank you for everything, Mahal. I love you so much❤ monkey”


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articlePanahon
Next articleKasinungalingan