Para sa mga taong nais maging malaya at nais magpalaya

by SASV | shared on He Said She Said |

Sinulat ko to hindi dahil gusto kong bumalik ka pa,
Kundi dahil gusto kong maging malaya ka na
Maging malaya sa mga yakap ko,
Maging malaya sa pagmamahal ko,
Maging malaya mula sa ‘yo
At sa pag-iibigan nating minsa’y nabuo.
Kaya,Oo, Malaya ka na, Malaya na tayo.

At para naman sayo na nais akong pakawalan,
Nagtagumpay ka sa mga plano mo,
Sa planong lumisan at talikuran ako,
Planong minsa’y pumalya pero tinuloy mo,
Planong nagtagumpay sa pagbagsak ko.

At heto naman para sa ating dalawa,
Para sa kalayaan ko, at sa kalayaang ninanais mo,
Oo, malaya ka na, malaya na ko,
malaya na tayo,
Hanggang dito na lang,
Paalam na sayo.

Paalam,
Paalam sa mga alaalang ating binuo,
Sa mga alaalang may tayo,
Sa mga alaalang masaya pa tayo,
At sa mga alaalang nagpapaalala satin na kailangang bumitaw na tayo,
Oo,Kailangang bumitaw na tayo
Kailangan na nating bumitaw sa mga pangakong napako,
Kailangan na nating maging malaya sa mga takot mo,
Sa mga takot ko na mawala ka,
Na baka makahanap ka ng iba,
At hahanap pa ng iba…
At yun na nga, ika’y lumisan na

Kaya siguro kailangan ko ng tigilan ang kahibangan ko,
Oo,”Ko”, dahil ako nalamang ang nananatili dito,
Kaya,ko, aangkinin ko na ‘to,
Kahit na sayo ko inaalay ‘to,
Aangkinin ko to, at kahit ito nalang, ipaangkin mo.

Paninindigan ko,
Paninindigan ko ang mga desisyon ko,
Desisyong alam kong masasaktan ako,
Desisyong papalayain ka na dahil yun ang gusto mo,
Kaya mahal, heto na nga, paninindigan ko na ang pamamaalam sa ‘yo,
Paninindigan ko na ang pagpapalaya sa ‘yo
Mahal, malaya ka na,
Malaya na tayo ngayon.

Comments Go Here ▼

Comments