Pero bakit?

by Yssa Olivan Adornado | shared on He Said, She Said |

Unending whys and maybes…

Bakit niya ako iniwan? Saan ako nagkulang?

Anong nagawa ko? May nagawa ba akong mali?

Bakit? Bakit? Bakit?

Minsan, hindi lang talaga maiwasan itanong kung bakit. Bakit nangyari ang lahat. Bakit naging ganun sa huli kahit pa ginawa mo na ang lahat para lang maisalba ang isang relasyon.

Ang masakit kasi, ang PAGTANGGAP. Ang pagtanggap sa isang sitwasyon kahit pa wala kang nakukuhang sagot sa tanong na bakit. Kailangan mong tanggapin kahit hindi mo alam kung ano yung tatanggapin.

Kailangan mong maintindihan, kahit walang paliwanag. Mahirap lang ang tanggap ka ng tanggap sa mga bagay na hindi ka binigyan ng rason o ng kahit anong eksplenasyon.

Yung pakiramdam na kailangan mo lang iiyak gabi-gabi lahat. Gabi-gabi mong huhulaan ang mga posibleng sagot sa tanong na bakit. Gabi-gabi mong iisipin ang mga “SIGURO” kahit hindi ka sigurado.

Wala eh. Kailangang tanggapin.

Pero bakit?


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments