Piitan

ni Jasmine Consignado |

Dalawang buwan na ang nakalipas, dalawang buwan na rin na parang may kulang.

Magigising na lang ng alas dos ng madaling araw sa di ko mawari na dahilan. Biglang sasagi sa isip mga alaala ng nakaraan, na ayoko na sana pang balikan dahil patuloy pa rin na nasasaktan. Nasasaktan sa kadahilanan na iniwan na lang sa ganun kadaling paraan. Sa oras na mas kinakailangan ko ng isang IKAW.

Di ko mawari ang iyong paglisan, bagkus na nasasaktan sa bakas ng kahapon na ating pinagsamahan bulong ng isip at puso ay ikaw. Di matigil maalala ang lahat ng kung ano meron tayo noon, na kahit paulit ulit na akong nasaktan sa mga salitang iyong binitiwan minamahal ka pa rin ng lubusan.

Ngunit ngayon ay gusto ko ng makawala sa piitan ng nakaraan upang lubos na maging malaya at sumaya muli at bumalik ang dating ako bago ka pa dumating sa buhay ko. Paalam, paalam na, ayoko ng kumapit pa.

Maging masaya ka na sana. Mahal pa rin kita pero tapos na.

Comments Go Here ▼

Comments