Piliin mong umibig

by Mela Aguisanda | shared on He Said, She Said |

Kuntento, p’wedeng hindi p’wedeng oo.
Kumpleto, p’wedeng peke p’wedeng totoo.
Iniwan ng paulit ulit, tila pag ibig nabahiran ng pait.
Nagtago sa dilim, sariling hinarap ang hirap at daing.
Dumating ka sa di inaasahang pagkakataon.
Kaligayan muli sa puso’y nabuksan.
Sa pagdaan ng panahon, wala ring kasiguraduhan.
Pwedeng pang matagalan, pwedeng panandalian lang.
Pero ngayon handa akong tumaya.
Upang ang puso’y tuluyang makalaya.
Siguro nga’y hindi ko pa alam ang hantungan,
ngunit mas mabuti na ang umibig kaysa patuloy na masaktan.

Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments