Pinakamasakit na Love Story

Pinakamasakit na Love Story

ni Aljohn Punzalan Rosales

Ang pinakamasakit na love story ay yung hanggang storya na lang kayo.

Madami kayong pangarap, pangarap na kahit saglit lang mayakap mo siya, maisayaw sa paborito niyong kanta, maglakad ng magkahawak ang kamay sa ilalim ng ulan.

Pangarap na maging unan, habang pinagmamasdan ang mga bituin at buwan, hanggang sa mag umaga at sumilay ang araw at mga ulap.

Pangarap na makasamang lumipad. Patakas sa mundong pumipigil sa inyong pagmamahalan. At pangarap na sana puwede mo siyang makasama sa tinatawag na ”habang buhay.”

Yung tipong, hindi pa man siya nagiging sa ‘yo pero kailangan mo na siyang bitawan. Gustuhin niyo man ang isa’t-isa, hindi na puwede. Dahil may nagmamay-ari na ng puso niya, at nakatali ka na. “Wrong timing ako,” sabi niya. Salitang dumudurog sa puso niya. Minsan siguro, si Kupido, walang magawa sa buhay kaya naiisipan niyang paglaruan ang mga inosente nating puso. Ayaw natin magkasala pero bigla niya tayong papanain ng sapul hanggang sa matumba ka sa kamay ng iba.

Ayan na, di mo na mapipigilang mahulog. At mas pipiliin mo na lang na lumipad sa alapaap dahil sa saya na nararamdaman mo. Masaya? Oo, masaya. Yung pakiramdam na nakalaya ka sa mundong di mo inakalang may langit pala. Ang mahirap? Kapag unti-unti ng dumadating yung oras na kailangan mo nang gumising ulit. Hindi sa himbing ng tulog, kundi sa panaginip mong gising ka, nakatulala sa kanya habang sinsasabing “sana tayo na lang dalawa.”

Comments Go Here ▼

Comments