Pinapakawalan na Kita

by Joneva Pono | shared on He Said, She Said

Pinapakawalan na kita,
Hindi dahil sa hindi na kita mahal
Kundi dahil alam kong hindi kana masaya
Ay mali,
‘Ramdam ko pala

‘Ramdam ko ang kasinunangilan
‘Pag binibigkas mo ang salitang “Mahal kita”
Na sa tuwing lalapitan kita
‘Ramdam ko na gusto mong maging malaya

Pero ang tanong ko,
Ba’t pinatagal mo pa?
Bakit hindi mo kayang sabihin sa aking mga mata
Na gusto mong bumitaw na?

Bakit hinayaan mong magkasakitan pa tayong dalawa?
Sana sinabi mo ng mas maaga pa
Baka sakilang maagapan ko pa
Maagapan ang mahalin ka ng sobra

Pero huwag kang mag-alala
Buong puso kong tatanggapin to
Dahil sa simula’t sapul palang
Alam kong ito na ang iyong gusto

Papanindigan ko ang desisyon kong ito
Pakakawalan na kita
Dahil alam kong ito ang iyong ikasasaya
Pinapakawalan ko na
Ang taong minahal ko ng sobra
Pero ang mahalin ako’y hindi niya kaya.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleTemporary
Next articleSimula