Pintig Ng Puso

by Zelle Soriano | shared on He Said, She Said

Ang mundo ko’y madilim
Nang sa buhay ko ika’y dumating,
Ang puso ko’y nalulumbay at sawi
Masasabi mong abot langit ang pighati

Ngunit kinalaunan lahat ay nagbago
Nawasak na puso’y muling nabuo,
Ang iyong mga ngiti’y nagbigay liwanag
Sa buhay kong tila nawalan ng sinag

Pinipintig ng puso ko’y gustong iwasan
Upang ‘di maulit masakit na nakaraan,
Subalit damdami’t isip ko’y bumubulong
Na ika’y bigyan ng pagkakataon

At sa ‘yong bitag ako nga’y natalisod
‘Di ko inaasahang sayo’y mahuhulog,
Ang mga pangamba ko’y iyong binura
Tanging nadarama’y pagmamahal at saya

Magandang samahan nati’y hindi naikubli
Kahit sa pagtulog nakikita ko’y iyong mga ngiti,
Sa anu mang gawain ika’y inspirasyon
Nagbibigay buhay,lakas at determinasyon

Ngunit ang panahon talaga ay nagiging mapagbiro
Matibay nating mundo’y tila gumuguho,
May mga bagay na nawawalan ng kulay
At ang mga araw nati’y unti unting nalulumbay

Alam kong saksi ka sa ‘king pagkadapa
Mula sa pagkalugmok buhay ko’y naging payapa,
Sa tulong mo ako’y muling nabuo at tumayo
Naway wag tayo mawalan ng pag asa’t tuluyang sumuko

Sa aking pagbalik ako’y umaasa
Na ika’y nariyan naghihintay na muli ako’y makasama,
Magagandang alaala naway iyong panghawakan
Dahil para sayo ako’y patuloy na lumalaban.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments