Pipiliin na lang mag-isa

by Atiseret Onsunday | shared on He Said, She Said |

Hindi ako yung tipo ng babaeng kumakapit pa din kahit masakit na.

Hindi ako yung tipo ng babaeng ipagwawalang bahala lahat ng masasakit na salita na galing sa iyong labing minsa’y napakilig ako at napaasa.

Hindi ako yung tipo ng babaeng kinakaya lahat wag ka lang mawala.
Hindi ako yung tipo ng babaeng magpapakamanhid basta lang makasama ka.
At hindi ako yung tipo ng babaeng mamahalin ka habang ang isip mo ay nasa kanya.

Ako yung tipo ng babaeng iiwas na lang hangga’t kaya pa.
Ako yung tipong babaeng pipiliin na lang mawala ka
kaysa sa masaktan habang kasaka ka.

Ako yung babaeng pipiliin na lang mag isa.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments