Preso ng Kahapon

by Dhainielle Marquez on He Said, She Said |

Ito ay isang k’wento,
Kwentong patungkol sa ‘yo.
Sayo na bumuo ng isang ako,
Ako na malayo sa inaakala ko.
Isang kwento na nakapaloob ang ikaw at ako,
Ngunit kahit minsan, kahit isang saglit o segundo,
Ni hindi nagkaron ng tayo.

Alam ko kung pano tayo nagumpisa.
Pano tayo nagkakilala.
Kelan tayo nagkasama.
Mula noon, alam kong iba ka.
Sobrang saya ko nung una kitang nakilala.
Saya na habang buhay nang nakabaon sa aking alaala.

Kaya kong ikwento sayo magmula sa umpisa.
Kung gano ako kasaya.
Kung gano kita napasaya.
Kung pano tayo naging masaya.
Ay teka. Ang tayo nga pala ay wala.
Tanging sa mundo ko nga lang pala nabubuo ang salitang TAYO,
Ngunit sayong libro, simpleng ikaw at ako lamang ang naririto.

Siguro nga kasalanan ko.
Kasalanan kong magassume sayo.
Kasalanan kong umasa sayo.
Kasalanan kong maniwala sa lahat ng mga salitang binibitawan mo.
Mga salitang alam ko sa sarili ko na isang bala,
Bala na papatay sa sarili ko mismo.
Alam kong masakit.
Pero malugod ko itong tinatanggap.
Oo masakit, masakit pero masarap.
Ngunit tatanungin kita.
Kasalanan ko?
Kasalanan ko bang mahalin ka ng buong puso?
Siguro oo.
Kasalanan ko kung bakit nagdurugo ito ng todo.

Isang beses lang tayo nagumpisa.
Ngunit maraming beses tayong natapos.
Ang gulo diba?
Ang hirap intindihin.
Hindi ko alam kung ano ba ang sitwasyon natin.
Hindi ko alam kung san ako lulugar sayo.
Ngunit mahal, may lugar nga ba ko sa puso mo?

Nakakasawa. Nakakapagod.
Nakakasawang mapagod.
Nakakapagod magsawa.
Pilit kong binubuhay ang lahat.
Ngunit paulit ulit mo itong binabalewala na parang kalat.
Paulit ulit kitang hinahabol,
Pero ikaw naman tong si gago, gustong gustong hinahabol.

Mahal, mahal kita.
Pero mahal, tama na.
Mahal, ang sakit na.
Mahal, hindi ko na kaya.
Mahal, suko na.
Mahal, bibitawan na kita.
Mahal, ayoko na.

Ang tagal kitang kinapitan, ngunit ni minsan hindi mo ko hinawakan.
Oo ako ay yong dinampian, kaya nga paulit ulit kitang binabalikan.
Ngunit aking napagtanto, hindi sapat ang dampi para mabuo ang salitang tayo.
Mabubuo lamang ito kung mamahalin mo din ako.
Pero, nagpapatawa ba ko?
Para ko na ding niloko sarili ko sa ideyang mamahalin mo din ako.

Mahal kita.
Pero oras na para palayain ka.
Palayain ka sa isang kasong wala ka namang sala.
Kasong ako mismo ang nagpalala.
Bibitawan na kita hindi lamang para sumaya ka,
Bibitawan kita para nadin ang sarili ko mismo ay makalaya.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments