Puso Ba O Isip?

by Annlee Joy Manansala | shared on He Said, She Said

Pagmamahal mo ay totoo at umaasang ako ito.
Sakaling ako ay mahulog sa iyo, sasaluhin mo ba ako?
Oh, umaasa lamang na ito ay totoo.
Batid ko na ika’y may respeto sa tao,
At hindi manloloko.
Oh bakit ganito ang nararamdaman ko sa iyo?
Isip nga ba o puso ang paiiralin ko?
Sa isip ko ay iiwan mo lang at sasaktan ako,
ngunit ang puso ko ay ikaw lamang ang isinisigaw nito.
Ibibigay ko lahat ng pagmamahal ko ngunit,
umaasa ako na ito’y masuklian mo.
Palagi mo itong pakatandaan,
na ikaw lamang ang nagmamay-ari
ng puso kong dati ng nasaktan.

Comments Go Here ▼

Comments