Puwede bang ako naman?

by Cha Horan Palangdao | shared on He Said, She Said

Simulan natin ang tulang ito
sa kung paano ako nahulog sa’yo
Mula sa mga nagniningning mong mga mata
Hangggang sa napakalambing mong mga salita
Nahulog ako sa napakatamis mong mga ngiti
At sa boses mong tila musika sa aking mga tenga
Sa tulang ito aking isasalaysay ang istorya ng ating pag iibigan
Mali. Ako lang pala ang umibig
Sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya sa iyong bibig
Nakikita ko ang pagmamahal sa iyong mga mata
sa tuwing nakikita ko kung gaano ka kasaya,
kung gaano mo siya kamahal
napakahirap para sa akin ang magpanggap
Na hindi ako nasasaktan
tuwing kayong dalawa ay naglalandian
At parating tumatakbo sa aking isipan
na ang salitang “tayo” ay hindi kailan man magaganap.
Kaya sa ngayon, gusto kong humingi ng pabor
At sana bilang respeto sa ating pagiging magkaibigan
ay sana gawin mo ang hihilingin ko sa iyo.
Pwede bang ako naman?
Ako naman ang mananakit
Ako naman ang aalis
Ako naman ang mang iiwan
Ako naman ang magsasaya
Ako naman ang makararamdam ng pagmamahal
Pwede bang ako naman?
Maari bang ako na lang?
Maari bang tayo na lang?
Sa paglipas ng bawat segundong tayo ang magkasama
di ko mapigilan ang aking sarili na mangarap
Mangarap na
Ang mga mata ko lang ang iyong tinititigan
Na ang mga labi ko nalang ang iyong hahalikan
Na ang kamay ko lang ang iyong hahawakan
Na ako lang ang iyong sasabihan
Ng “mahal kita, di kita kayang iwan”
Napakasakit isipin na ako ay isa lamang kaibigan
Kaibigan sa iyong paningin
Kaibigan sa iyong damdamin
Napakasakit na lagi nalang siya ang iyong iniisip
Lagi nalang siya ang nasayong panaginip
Pwede bang ako naman?
Ako naman ang dahilan ang iyong mga ngiti
Ako naman ang dahilan ng iyong pag iyak
Ako naman ang iyong pinapangarap
Ako naman… Ako naman…
Na sana makita mo na ako ang na sa iyong tabi,
Na sana makita mo na ako ang nagmamahal sa ‘yo
Na sana makita mo na iba rin ang gusto niya
Na sana simula palang noong una
Ako, ako ang nariyan para sa iyo,
Ako, ako pumupunas sa bawat luha mo
Ako, ako ang nagpapasaya sa iyo
Ako… Ako…
Puwede bang ako naman?


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments