Puwede pa ba?

by Jian Aljelica Amora | shared on He Said, She Said

Puwede pa ba na ikaw at ako ulit?
Yung tatawa ako ng hindi pilit?
Puwede pa ba ibalik yung dati?
Yung ramdam ko na wala akong kahati?
Puwede pa bang ibalik yung tayo?
Ang hirap kasi ng malayo sa ‘yo.

Puwede pa ba? ‘Wag mo sanang sabihin na hindi na.
Puwede pa ba? Ang sakit kasi yung nandiyan ka pero parang wala.
Puwede pa ba? Yung aayain mo ko pag kakain na.
Puwede pa ba? Yung ihahatid mo ko ‘pag uwian na.
Puwede pa ba? Yung pareho tayong masaya.
Puwede pa ba? Ayusin yung mga mali kong nagawa.
Puwede pa ba? Kung puwede pa, ipaglalaban kita!
Puwede pa ba? Kung hindi na, papalayain na kita.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments