Sa huling pagkakataon

by MDFL | shared on He Said, She Said |

Nasasaktan ako although alam ko na hindi naging tayo.

Siguro ganyan lang talaga dahil totoo yung pagmamahal na binigay ko sa ‘yo. Sabi nga nila, nandun na yung pagsasamahan natin, minahal kita tas inamin mo rin na napalapit ka na sa akin (na-fall daw), pero yun na nga, walang kasiguraduhan, walang label.

Sa una, kinaya ko, wala eh, nagsettle ako sa “okay lang na walang label, basta H-A-P-P-Y ako”, pero yun nga, sa huli nag give up ako, sobra akong nahulog sa ‘yo, ayan tuloy ako ang talo.

Siguro nga medyo naiinis lang ako sa sarili ko kasi hinayaan kong maging ganto yung nararamdaman ko to the point na nakalimutan ko na yung pagmamahal sana na natira para sa sarili ko; mas minahal kita kesa sa sarili ko. Pero hindi kita sinisi kung bakit ganto yung nangyari. Sabi mo nga sa umpisa, ayaw mo muna ng commitment kasi once na nagmahal ka na (hindi ko alam kung anong klaseng pagmamahal ba yun) nawawala ka na sa focus sa pag-aaral mo. Syempre sa akin, ayoko naman ng ganun, ayokong maging distraction sa pag-aaral mo. Sabi mo nagbago ako, tinanong ko “in what way?”, sagot mo naman “hindi ka na sweet”. Dun lang ako nainis sayo kasi siguro yun lang yung panahon na ayoko ng umasa sa ‘yo, nung dating sweet ako sa ‘yo, pinahalagahan mo ba?

Naiinis din ako kasi yung tipong araw araw na magka-usap tayo sa phone kahit abutin pa tayo ng alas tres ng madaling araw e okay lang sa atin,pero ngayon, ni “HI” o “HELLO”, wala, tapos ako sasabihan mong nagbago? Hindi ako nagbago, natuto lang ako. Hindi mo man lang ba naisip na baka ikaw yung may mali?

May mga kanya kanya tayong priorities ngayon, ikaw sa studies mo, ako sa work ko. Mas mabuti nga siguro yung desisyon kong, ako na mismo ang lalayo. Kasi wala eh, wala talagang mangyayari kung mag-iistay ako. Parang feeling ko ako nalang yung kumakapit.

Mabuti na rin siguro na hindi naging tayo, kasi if ever, baka mas masakit yung mararamdaman ko. Tanggap ko na, na hanggang dito nalang yung kwento natin. Nagsimula sa magandang alaala at tatapusin din sa magandang usapan. Nasabi ko na lahat sa ‘yo, ang pakiusap ko lang, sa susunod na magmamahal sa ‘yo, wag mo sanang hayaan na mangyari yung nangyari sa atin.

Tama na ang laro! Ako na ang talo. Hanggang dito nalang. Tandaan mo,

You have a special place in my heart and no one will ever fill this space but you.

Sa mga susunod na pagkikita natin, sana kahit friendship man lang yung matira, okay na. Mas okay na rin siguro yung pagiging magkaibigan kasi ang friendship walang break’n.

THANK YOU. I LOVE YOU. GOOD BYE.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments