Sa Makalawa

by Risando Perez | shared on He Said, She Said |

Ang pag ibig ay makabuluhan, sa sinuman
Lalo na sa mga nagmamahalan
Pero ang pag ibig na tinutukoy ko
Ay siyang nagdulot sa iba ng pinsala.
Inumpisahan niyo ang lahat sa simpleng pagkakaibigan
hanggang sa magkahulugan ng loob
Masaya niyong sinumulan ang kayo
Binuo at pinatatag ang tayo.
Ngunit sa kabilang banda pagkatapos ng sakripisyo’t pag aalaga.
Bukas, o sa makawala darating sa puntong magkakasukuan,
magkakaproblema at bibitaw ang isa.
Ang pag ibig na pinaglaban niyo sa huli ang kahihitnan pala nito’y pagsuko na.
Maraming sakit ang idudulot sa ‘yo nito.
Maaring iwan kang puno ng paso nito’t maging abo
kung ang liyab ng pagmamahal niyo’y napalitan ng apoy ng pagkabigo.
Bibigat ang lahat sa ‘yo na
para bang nadaganan ka ng nagtitipakang bato.
Nakagapos pa rin sa ‘yo ang mga pangako niya
na akala mo bukas ay katapusan na ng mundo.
Animo’y mga tanikala na nagdulot
sa pagpigil sa ‘yo na makaalis sa kung saan ka man ngayon.
Ninais mong tunguin kung san ka man dapat paroroon.
Upang makalaya sa imahinasyon na maari maging kayo
Pero heto ka’t dala mo ang mga naiwan niya
Naiwan niyang bagahe na masasayang alaala
Mga bagahe ng nakaraan na kung saan.
Ninais mo ng di na dalhin pa at iwanan na lang.
Kung saan itatapon mo ang lahat ng ito sa dagat ng kahapon.
Dahil sa tuwing nakikita mo ang mga yon ay lagi mong naalala
Ang taong minsang nagsabi sayo na
“Kahit ano pa mang mangyare hinding hindi ako susuko”
Pero eto ka nag iisa, ninanamnam ang lungkot
Akala mo napakatamis at magbibigay galak ang pag ibig niya sa ‘yo.
Ngunit sugat, galit, pait at pagkabigo ang siyang magiging kapalit nito.
Sa bawat araw na lumilipas ninais mo ng maging masaya
Kahit wala na siya.
At hiniling kundi man ngayon o sa makalawa
Tuluyan ng makawala.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments