Sa Muling Pagtatagpo

Sa Muling Pagtatagpo

ni Princess Dianne Andrino Albura |

Lumipas na ang araw, gabi at buwan
Tila’y sa iyong larawan nalang ata kita -masusulyapan
Di ko naman hinihiling na mag krus ang ating daan
Bagkus ito’y aking iniiwasan
Kase di ko alam kung ano’ng emosyon ang aking mararamdaman
Mangingibabaw ba ang galit dahil ikaw ay lumisan
at sinabi mo sa ‘kin na “pakiusap ako na ay iyong layuan”
O ang pag ibig , ang pagmamahal ko sa’yo na nandito sa puso ko
Pero teka nga
Mayron pa bang natitira?
May puwang pa ba dito ikaw sa puso ko?
Kasi lumipas na araw, gabi at buwan
Di ba ito na rin ay kay tagal
May puwang pa ba sa pagmamahal?
O baka sugat na lang?
Sugat na di pa rin nalulunasan

Kahit na lumipas ang araw, gabi at buwan
Ano nga ba ang mangingibabaw…
Galit o pagmamahal?
Sa muling pag krus ng ating daan
Sa ating muling pagtatagpo
Pati na ng ating mundo
Sa lugar kung saan gaganapin ang kasalukuyan
At nagsalo ng nakaraan.
Mauungkat pa ba ito?
O di na lang pag-uusapan?
Kasi baka ako na lang ang nakakaalala
Alala ng saya at lungkot
Ng tawanan at pighati
Ng mamatamis na sumpaan
at pagwasak ng kanya-kanyang nararamdaman
Ayoko namang ipaalala pa sa’yo ‘to
Kasi sa huli alam ko na ako lang ang masasaktan
Kaya hindi na, tama na siguro ito.

Sa ating muling pagtatagpo
Susubukan kong umiwas
Hindi dahil nasaktan mo ‘ko
kundi baka mapagtanto ko na ang sakit
na akala ko’y magaling na ay di pa pala
Baka maramdaman ko na ikaw pa rin pala
Ikaw pa rin sa kabila nang lahat ng pasakit
Sa ating muling pagtatagpo
Gusto kong humarap sa’yo kung saan buo ang loob ko
Na alam ko mismo sa sarili ko
kung ano ang nararamdaman ko sa ‘yo
Na di na magtatanong kung ano ang mangingibabaw
Na kung galit ba o pagmamahal
Pero ito lang naman ang gusto ko
Na sa ating muling pagtatagpo
Kaya kong tumingin sa aking nakaraan
Nakaraan na walang iba kundi ikaw
Makakangiti sa harap mo ng walang halong pamemeke
Makakatingin sa iyong mga mata ng diretso
ng walang halong lumbay
Makakasalamuha ng parang ordinaryo
at di mag-aasam ng ‘yong pagmamahal
Sa paglipas ng araw, gabi, at buwan
Tayo’y muling magtatagpo pati na ng ating mundo
Na parehas nating iniwan sa nakaraan ang ating nararamdaman.

Comments Go Here ▼

Comments