Sabagay, Tao Sila

by Consuelo | shared on He Said, She Said |

Ramdam ko na ang init na dala
Ng gulong na walang humpay tinutulak
Pataas sa kapatagan
Nag-uunahan, hihilahan

Nandito na naman ang gawain nila
Ang pagpataas sa sarili,
Pagpapababa sa kapwa
Ganyan talaga ang paraan nila
May ibang nagmamaskara, nanlilinlang
May ibang peke ang pinambayad,
Ngunit ang ‘di alam, bulok ang nabili
Iba’t-ibang patibong, iba’t-ibang pamamaraan
Sila ang mga tao na nilalang
Nabuhay ng may mas isip at talino
Sinasayang ang kailangan
Inuuna ang kagustuhan
Sapagkat lahat ay alam
Pati pasikot-sikot, kahit nakakasama ay pinapasukan.
Pero kung gayo’y magiging isa ako sa kanila
Naku! Ayaw ko mapabilang sa tatawaging “sabagay, tao sila”


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleTuruan Mo Ako
Next articleDati