Sabay

by Z | shared on He Said, She Said |

Akala ko ba ‘Sabay tayo?’,
Sabi mo pa nga “Tara! sabay na tayo”
Pero bakit ganon?
Di na tayo nagkasabay,
magmula ng makilala mo s’ya.
Tinanong kita “Ano magsasabay pa ba tayo?”
Ang sabi mo “May kasabay na ko eh, Si Ano na lang sabayan mo.”
Sabay tayo mo sa pagkakaupo at lapit sa kanya
Habang ako nakaupo pa din at nasabi sa sarili na
“Siguro nga, hanggang dito na lang.”

Pero ‘wag ka mag-alala, “Okay na.”
Hindi man ikaw ang makasabay ko,
Alam ko may tao pa din ako na pwedeng sabayan at magsasabi sakin na
“Uy, Tara na! Bilisan mo! Mahuhuli na naman tayo nito eh.”
sabay sagot ko na
“Oo, saglit lang kasi. ”
Katulad ng dating tayo.

Comments Go Here ▼

Comments