Sabihin sa Akin

By Joanne Pili Horan | shared on He Said, She Said |

Kamusta na?
masaya ka na ba sa kanya?
o hinahanap mo pa rin ang aking presensya?
Nahigitan naba niya ako?
O nakakalamang pa rin ako?
Napunan na ba niya ang pagkukulang ko?
O di pa niya napapantayan ang mga naibahagi ko sa ‘yo?

Sabihin mo sa ‘kin,
yung totoo at walang halong biro
Sabihin mo sa akin na nagkakamali ako sa nakikita ko
na unti-unti niyo nang tinutupad ang dati nating mga plano
Masaya kaba na siya ang kasama mo?
Sabihin mong hindi dahil gagawa ako ng panibago
panibagong plano na tutupadin nating pareho
Sabihin mo sa akin na ako parin ang iyong mahal
at kahit kelan sa puso mo’y di natanggal
Paniguradong lungkot ko’y mapapawi
at agad na mapapalitan ng ngiti
Yun ay kung sasabihin mo na ako pa rin ang iyong mahal.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments