Sagot sa Lahat ng Bakit

Sagot sa Lahat ng Bakit

ni Quenie Dicdican

Ikaw ang sagot sa lahat ng bakit.
Kahit sa kabila ng nito ay puro na sakit
Pilitin man ipikit ang mga mata,
Luha’y di pa din mapigil
Ikaw ang dahilan sa bakit,
Bakit kailangang magtiis kahit puwede naman umalis.
Bakit kailangan kumapit ng mahigpit
Pero lalo lang naman sumasakit.
Ikaw lang sagot sa lahat ng bakit
Kahit sakit pa man ang hatid.
Walang ibang nais kundi ang iyong pagtingin
Ikaw ang iniibig ng puso kong di ka kayang ipagpalit.

Comments Go Here ▼

Comments