Salome ni Elias

by Gail Banaag
 
Ililibing kita sa pinakamalalim na sulok ng puso.
Kung saan, hindi ka maabot ng luha.
Isang lugar na ‘di naabot ng sakit.
Doon ka mananahan hanggang
sa panahong muli kang maaalala.
 
Sa panahong hahanap-hanapin ka
at gugustuhin kang makita.
Huhukayin kita kasama ng mga bagay
na pinilit kong tabunan
ng mga sinadyang ngiti at kunwaring tawa.
 
At muli akong iibig.
Mahuhumaling sa iyo.
Sa ganda mong hindi nabago ng panahon.
Sa puso mong nanatiling busilak.
Iibig ako sa multo ng ating nakaraan.
At mamamatay at mabubuhay sa ating mga alaala.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments