Sapat na maging tapat

by Ghie Beriña Samaniego | shared on He Said, She Said |

sa mga matang
puno ng panghuhusga
ako’y nangangambang
baka ika’y mawala pa
walang kasing sakit sakaling lumisan
sapagkat pag-ibig
sa ‘yo lamang iniaalay

ako’y napayuko’t ni walang nasambit
subalit ang puso’y patuloy na nagtatanong
kailangan ba talagang pareho ating pinag-aralan ?
para lamang matanggap na ako’y karapat-dapat

sapagkat ako’y mahirap lamang at walang binatbat
hindi ibig sabihin pera lamang ang katapat
bigyan sana ng kalayaan na tayo’y magmahalan
di mahirap unawain basta’t pakatatandaan
sapat na maging tapat.

Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments