Saranggola

Saranggola

ni Mary JOan Maristela

Para akong saranggola at sa k’wentong ito ikaw naman yun binata.

Naaalala ko pa yun sayang naramdaman ko nun pinatitibay mo ang bawat parte ng saranggola dahil ayaw mo ‘tong basta masira at noong itinali mo ako gamit ang pinakamatibay na tanso na parang ayaw mo na akong makawala.

Naalala ko din yun saya ko noong dinala mo ako sa isang napakalawak na kaparangan, napakaaliwalas duon at napakaganda. Nadagdagan na naman yun sayang naramdaman ko noong pinakawalan mo ako at hinayaang makarating sa itaas, at itinaas pa ng itinaas.

Doon mag-isa kong nakita ang kabuuang ganda ng mundo. Punong-puno ng saya ang nararamdaman ko, pakiramdam ko maaabot ko na ang langit. At sa sobrang taas ko nakita ko ang ilang tao na pinapanuod ang paglipad ko, halos ayoko nang bumaba.

Hanggang sa napatingin ako sa ‘yo at mula sa kinatatayuan ko sa itaas nakita ko yung pagod mo, sa bawat pagpunas mo ng pawis na lumalagag sa parte mukha mo, nakita ko yung sakit ng mga braso mo — ang bigat ng dulot ko kasabay ng paghampas ng malakas na hangin. At sa kinatatayuan ko nakita ko ang saya sa mga labi mo, masayang pinapanuod ako. Muntik ko na pa lang makalimutan kung paano ako nakarating sa kinalalagyan ko. At dun nasabi ko na ikaw lang ang gugustuhin kong humawak sa tali at makaramdam ng saya habang pinapanuod akong lumilipad ng dahil sa tiwalang ibinigay mo. At masasabi kong ito ang totoong pagmamahal.

Comments Go Here ▼

Comments