Sarap Maging Single, Bes

by Jhari F. Aliparo| shared on He Said, She Said

Bes, sarap maging single,
Tipo wala kang iisipin,
Yun wala kang kahati,
Kahit mag-isa ako’y nakangiti,
Dahil malaya ka nakakapili,
Kaya masaya ako pag-uwi,

Tuwing sasapit ang mga okasyon,
Tuwang-tuwa buti walang relasyon,
Panahon ko ibubuhos sa Panginoon,
At maligaya ako buong taon,
Kaya bulsa ko puno ng baon,

Kahit wala akong masandalan,
Pero nariyan ang bag ko para higaan,
Kahit nag-iisa lang ako pag-uwi,
Pamasahe ko di masyado malaki,

Kahit nanlalamig sa gabing madilim,
Nariyan ang kumot para painitin,
Ang pakiramdam na nasanay ng lunurin,
Ng mga pag-ulila na wala kang mamahalin,
Nag-iisa ka man maligaya pa rin,
Dahil di mo dadanasin ang hirap ng may iibigin.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments