Sarili ay di maintindihan

by Ryan Jose Cañada Bongat | shared on He Said, She Said |

Masaya ako na nakilala ko ang isang katulad mo. Masaya ako na naging matalik na magkaibigan tayo.
Masaya ako na lagi kang nandiyan sa tabi ko sa tuwing galit ako sa mundo. Masaya ako na napapangiti mo ang walang kuwentang ako.

Ngunit sasaya pa ba ako kung maghahangad ako ng mas higit pa sa kung ano’ng alam mo? Yung alam mo na magkaibigan lang tayo.

Sabi nga nila, may dalawang uri ng pagkakaibigan. Yung kaibigang pag nadapa ka’y agad kang tutulungan
at ang isa nama’y tatawanan ka pa sa oras ng ‘yong katangahan. Pero paano naman ako? Akong tanga na umaasa sa iyo. Sabagay, magkaibigan lang pala tayo.

Di ko naman kasi alam na ikaw na kaibigan ko ang magpapatibok ulit ng patay kong puso. Ikaw na kaibigan ko na para bang isang mahiwagang halaman — halaman na wala akong ideya’t kaalam-alam kung saan ko matatagpuan.
Ngunit itong mahiwagang halaman na ito pala ang tanging magpapahilom sa puso kong duguan at magpapabukas sa sarado kong isipan.

Sana nga. Sana nga nung una palang pinigilan ko na ang puso ko na humihiyaw at nagsasabing “Mahal, Mahal na mahal kita!”

Sana nga. Sana nga’y kaya pang maibalik ang nakaraan. Nakaraan na naging saksi sa aking pagluha sa mga oras na may kasama kang iba at wala akong magawa dahil alam ko na tayo’y magkaibigan lang.

Kaya ito ako ngayon hindi makapagdesisyon. Sana ang paglipas ng oras ay magdahan dahan, upang maibalik ang tunay kong katauhan mula sa sariling di maintindihan.


Feel free to send in your essays or poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one. He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments