Sawi List

sawi

ni Jasmine Consignado |

“Ang pagmamahalan natin ay parang Peanut Brittle matamis man pero marupok”

Matamis na pagmamahalan na parang basura na lang na tinapon, mga pinagsamahan na parang kay dali naman nakalimutan.

Mga pangakong napako dahil sa hindi malaman na dahilan.

Matamis man pero parang kay rupok mo na ako’y iwanan na lang. Ni hindi pinaglaban ating pagmamahalan. Napapaisip na lang kung ako’y minahal ng tunay o rebound lang.

Ngunit kahit ganun pa man na parang peanut brittle ang iyong pagmamahal na matamis pero marupok para ganun ganun na lang maisipan na akong iwanan.

Isang kataga ang aking iiwan bago ko tuluyang palayain ang sarili ko sa nakaraan “Mahal kita pero hindi na tama na kumapit pa” Paalam aking peanut brittle matamis man pero marupok.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleTapos Na
Next articlePiitan