Sigurado Ka Ba?

from message sender “Susan” | on He Said She Said |

(We at He Said She Said change the actual names and places and edit some parts of the message, to protect the identity of our message senders.)

Magandang gabi po, Tito and Tita.

Gusto ko lang pong malaman kung tama ang desisyon ko. Ito po ang maikling kuwento…

May nanliligaw po sa akin ngayon. Mga ilang buwan din siya nagsusuyo sa akin. Sa mga panahong iyon, marami na din akong nasabi sa kanya tungkol sa akin at sa mga naranasan ko sa pag-ibig. Sabi ko sa kanya, maging bukas siya at magsabi din sa akin ng mga pawang katotohanan lamang.

Noong isang linggo, sinabi niya na may nakausap siyang babae na dati na niyang nagustuhan. Inamin niyang mahal niya iyung girl. Di daw niya alam ang kanyang gagawin at sa akin pa siya humihingi ng tulong para sa kanyang kalagayan. Sinabi ko sa kanya na di ko siya matutulungan, lalu pa’t nanliligaw siya sa akin. Dun ko po kasi naisip at nasabi sa kanya na ayaw kong maging rebound.

Nag sorry po siya sa akin. Gusto po niyang ayusin ang situasyon niya sa akin. Sabi ko, mas mainam na maging friends na lang kami. Na mas mabuti pang alamin niya muna ano ba talaga ang nararamdaman niya. Nais kong hanapin niya muna ang sarili niya.

Tama po ba ang ginawa ko at sinabi? Kailangan ko po ba siyang bigyan ng chance?

Salamat po.

– Susan

HE SAID, SHE SAID:

Alam mo Susan, tama ang mga sinabi mo sa kanya. Pangatawanan mo ang desisyon mo kasi mahirap magka-relasyon sa isang tao na di pa talagang natatapos ang isang yugto sa kanyang buhay pag-ibig. Isa pa, di siya lubos na naging tapat. Kung di ka pa nagtanong, di siya magsasabi.

Layuan mo na lang siya. Marami pa namang iba diyan. Huwag magpakasiguro sa taong di naman pala sigurado.

God bless, Tito Homer & Tita Jinky

 

Comments Go Here ▼

Comments