Siguro nga

by Remir Obejas Sarsalejo | shared on He Said, She Said |

Nagsimula ang lahat sa hiling
Na sana ika’y makapiling
Sinsambit sa bawat kong dasal
Ang makita’t makilala ka, Mahal.

Siguro nga
sa bawat pintig ng puso
Ay ang pagasang may taong makakaintindi nito
Intindi na di lang marinig
Kundi madama ang puso’t tinig

Siguro nga
may inilaan ang Maykapal
Ang tangi ko lamang gwin ay maghintay
Maghintay sa bawat oras na nakaplano
Tumingin sa langit magsumamo

Siguro nga
lahat ng tao ay nakatadhana
Na isang araw may tatabi at magpapaala ng pag-asa
pag-asang lahat ay mging msaya
Sa piling ng taong sasamahan ka ‘gang tumanda

Siguro nga
noon di ako naniniwala
Sa linyang “forever” ‘ika nga nila
Matagal ding nasawi at nalumbay
Pag-asang may makapiling hanggang humimlay

Siguro nga
nung dumating ka ako’y nagduda
Marahil nagduda dahil iba ang nadama
Ang pakiramdam na di ko akalaing madarama
Tinamaan nga, Siguro nga.

Siguro nga
isang araw maihahatid din ako sa altar
Kasma ang taong nagpatunay at nagbulgar
Pag-ibig ng Diyos sa ating lahat
Ikaw ang nagpatunay at simbolo, Salamat.

Siguro nga
mula sa araw na ‘to
Di ko na sasabihin ang pagdududang siguro nga
Mula sa pagmulat hanggang sa pagpikit
Ikaw lang mahal ang isinasambit
Maraming salamat sa pagpaparamdam
Na ang siguro nga ay sadyang agam-agam
mula sa langit at kalawakan
Magkahawak kamay nating tatahakin ang
Walang hanggan.


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one. He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments