Simula ng Pagtatapos

by Hannah Beatrice Adame Tamayo | shared on He Said, She Said |

Dumating na yung araw na pinakaayaw ko
Yung araw na susuko at tuluyan ng sumuko
Itong nararamdaman ng puso ko
Di ko alam kung bakit nagkaganto
O marahil ikaw ang dahilan ng lahat ng ito
Ramdam ko na tumahimik ang mundo
Bumagal ang tibok ng puso ko
Pagod at duda sumagi sa isip kong gulong-gulo na
Gabi-gabi akong umiiyak at mga mugtong mata ang bumubungad sa bawat umaga
Pilit kong itinutulog nalang lahat ng ito, pero di ko magawa kasi di kaya nito, di kaya ng puso ko
Patawad kasi sumuko ako
Patawad kasi di ko na kaya
Patawad kasi pagod na ako
Patawad kasi di na ako naniniwala
Patawad kasi di ko na kayang manloko at sabihing kaya ko pa
Patawad kasi ito yung totoo
Yung katotohanan na sana’y isang kasinungalingan nalang
Yung katotohanan na sana’y panaginip nalang
Yung katotohanan na ayaw mo at ayaw kong ipaalam pa
Di ako nagsisisi na minsang naging parte ka ng buhay ko
Di ako nagsisisi na minsang naging sentro ka ng mundo ko
Di ako nagsisisi sa mga masasayang alaala na binuo nating dalawa
Di ako nagsisisi na nakilala kita
Di ako nagsisisi sa bawat oras na kasama kita
Di ako nagsisisi
Siguro nga lahat ng bagay di nagtatagal
Lahat napapanis, nasisira at di na kayang ayusin pa
Siguro di nga tayo ang tinadhana para sa isa’t-isa
Siguro nga isa lang ito sa maraming palabas niya
Dumating. Nagmahal. Nasaktan
Dumating. Nagmahal. Nasaktan
Dumating. Nagmahal. Nasaktan
Paulit-ulit lang di ba?
Dumating ako, dumating siya
Nagmahal ako, nagmahal siya
Nasaktan ako, nasaktan siya
Pero ito yung totoo
Kaya sana patawarin mo ako
Paalam na
Paalam na sa mga alaalang masasaya
Paalam na sa mga lugar na pinuntahan nating magkasama
Paalam na sa mga binitawang salita
Paalam na sa mga pangakong naglaho nalang ng parang bula
Paalam na dahil ito na simula
Simula na ng malaya ako, malaya ka na
Simula na ng masaya na ako, masaya ka na
Simula na para gumawa ng bagong alaala pero hindi sa ikaw at ako
Mga bagong alaala na walang tayo
Mga bagong alaala na mas masaya at totoo
Dahil ito na ang simula ng pagtatapos ng kuwentong ito.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments