Simulan natin sa dulo

by Mela Aguisanda | shared on He Said, She Said |

Nawala. Lilitaw
Mawawala. Babalik.

Ganyan nalang ba tayo?
Naguguluhan ako
Kung meron pa bang natitirang ikaw at ako
Ilang beses nang nangyare
Alam naman natin na sa simula pa lang ay hindi na pwede.

Urong sulong, urong sulong
Tila hindi ko mawari kung sa pagpatak ba ng ulan ay papasukubin mo
Ako sa iisang payong
O maiiwan nanaman akong magisa
Magaantay , magaabang.

Wala akong lakas ng loob
Ipagsigawan ang sakit at pait
Sa paulit ulit na sakit
Sa bawat taong inilagi ng pagibig
Na hindi nawawalan ng pagasang ito’y babalik.

Pero tila ako nalang ang nakakapit
Sa bawat pag-higpit ng kapit
Lalong lumalalim ang sakit
Ayokong bitawan, sabi ko ‘hindi kailanman’
Pero ‘di ko napansin pinutol mo na pala
Pinutol mo na pala ang tali bago ko pa makita.

Ngayon, nais ko nang makalaya
Maghihintay parin ako, magaabang
Ngunit hindi na sayo
Hindi na sa pagibig na pinangako mo.

Ngayon, handa na akong bumitaw
At sana ‘pag nagkita tayo
‘Wag na nating simulan sa simula,
Simulan natin sa dulo,
Yung wala ng ikaw at ako.


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments