Sinanay mo ako eh

by Terrence Castillo | shared on He Said, She Said |

Nakakamiss, Nakakamiss lang na andyan ka.

Nakakamiss ang mga araw na nariyan ka yakap ako, naririnig ko na sinasambit na mahal mo ‘ko.

Pero ngayon, nag-iba na, ngayon ikaw lang ang dahilan ng pagpupuyat dahil umaasang babalik ka, ikaw ang dahilan kung bakit malungkot, pero kahit ganto ay ikaw pa din ang gusto kong mahalin.

Bakit biglang nag-bago? Bakit biglang nanlamig? Bakit naglaho lahat? Bakit mo ‘ko iniwang nag iisa? Bakit mo ako iniwang umaasa? Umaasang babalik ka. Umaasang sasabihin mo ulit na mahal mo ‘ko at sasalubungin ng maiinit mong yakap.

Naalala mo ba yung gabi na ika’y nakayakap sakin bigla kanalang nag sabing “pasensya na pero hindi na kita mahal” sabay bitaw. Gusto kong sumigaw! Mahal kita pero ikaw na mismo ang nag sabi ng tama na.

Ayokong bumitaw pero sawa ka na, ayoko bumitaw kaso pagod na ‘ko. Lahat ng sinabi mo ay naiwan na lang bilang isang pangako, bilang isang salitang natapos lang sa tuldok. Natapos lang ang lahat sa salitang “ayoko na.”

Masakit pero iniinda.

Kahit puno ng sakit ay mas pinili ko pang palayain ka.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments